Sunday, October 30, 2022

Girlfriend na buntis nabugbog, nakunan at namatay ang fetus, ano ang maaaring ikaso?

  


Sagutin po ang katanungan ng isang FB user:


"Good evening to all. I would like to ask how many years is the punishment for murder. Some people beat my girlfriend, now our baby died in the womb. Thank you very much to those who will answer."


Base po sa salaysay ay binugbog ang girlfriend ng ilang mga tao at namatay ang dinadala nyang bata. 

Ang ating Revised Penal Code ay may parusa sa ganyang krimen sa ilalim ng Artikulo 256 o ang krimen na tinatawag na Intentional Abortion kung saan sinasabi sa unang talata nito na ang krimen ay nangyayari kung ang isang tao ay intentionally nag cause ng abortion o ang pagkamatay ng fetus sa uterus ng isang babae, dahil gumamit siya ng karahasan laban sa isang buntis na babae.

Ang parusa dito ay pinapatawan ng Reclusion Temporal na tumatagal ng labing dalawang taon at isang araw (12 years and 1 Day) hanggang sa dalawangpung taon (20 years) na pagkakabilanggo, depende sa desisyon ng korte. 

(Intentional abortion. — Any person who shall intentionally cause an abortion shall suffer:

1.The penalty of reclusion temporal, if he shall use any violence upon the person of the pregnant woman.  …… [Art. 256 Revised Penal Code])


Dagdag kaalaman na din, magkakaroon lamang ng tinawag na Complex Crime ng Murder and Abortion kung ang ina, ng dahil sa abortion o pagkamatay ng fetus, ay namatay o nasawi din.


Sana ay may natutunan kayo sa pagpapaliwanang na ito.

xxx

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:


laymanslawph@gmail.com


o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:


www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934


Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:


laymanslawph.blogspot.com


Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap. Maraming salamat po. 😊



Friday, October 21, 2022

Kapitbahay na nagsabi sa kumare na magnanakaw ang kanyang kapit bahay. may kaso ba? Ano ba ang Slander o Oral Defamation?

 


Sagutin po natin ang katanungan ng isang FB User:

 "Magandang gabi po tanong lng po Kung ano po ba dapat gawin sa Taong pinag mumura ka at sinabihang mag nanakaw?, salamat n advance po tapos po pagbaba ko Ng tryckle na aktuhan ko po na binagit Ang pangalan ko.. Ng kapitbahay Namin na sinabi magnanakaw Po kmi...Hindi namn Po galing MISMO sa kanila.pero xia Ang nag pasa sa kumare nya na magnanakaw daw Po kami"

 

Kung ang tao po ay nag sasabi ng mga bagay na walang katotohanan na nakakasira ng inyong puri, maaring mag kwalipika po ito sa kasong Slander sa ilalim ng Revise Penal Code ng ating bansa.

 

Ano ba ang Slander?

Ito ay napapailalim sa Artikulo 358 ng Revised Penal ang kaparusahan. Sinasabi sa isang desisyon ng Korte Suprema na:

 

"Ang Slander o tinatawag ding oral defamation ay isang kasong libel (o paninirang puri) na maaring gawin sa pamamagitan ng pagsasabi ng nakakasirang salita na maaring makapahamak sa reputasyon, opisina, negosyo, kalakal or kahit anong hanapbuhay ng isang tao.

(Libel committed by oral or speaking of base and defamatory words which tend to prejudice another in his reputation, office, trade, business or means of livelihood. [Villanueva vs. People, G.R. No. 150351, (2006)])"

 

Sinasabi rin na ang slander ay hindi kailangang marinig ng mismong siniraan na tao at nagkakaroon nito o yung tinatawag na oral defamation kahit na ibang tao ang nakarining ng mga nakakasirang puring salita, dahil ang reputasyon ng isang tao ay ang basehan kung paano siya nakikita ng ibang tao.

 

Ngunit ipinapayo pa rin natin na kung kayang ayusin sa barangay, ay sa barangay na muna natin ito ayusin dahil masyadong hassle din po ang pagkakaso maliban na lang kung may time at kahit papaano ay may resources kayo para i-file at antayin ang resulta ng kaso.

 

 xxx

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:

 

www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:

 

laymanslawph.blogspot.com

 

Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap. Maraming salamat po. 😊

Sunday, October 16, 2022

Kinitang pera mula sa negosyo ng amo, nagamit ng walang paalam para sa emergency, may kaso ba? Ano nga ba ang Elemento ng Theft at Qualified Theft?

 


Sagutin po natin ang katanungan ng isang FB User:

 

Base sa inyong salaysay, hindi lang po pagnanakaw ang maari nilang maikaso po sa inyo bagkus ay maaring Qualified Theft po ito.

 

Ayon sa ating Revise Penal Code, ang Theft ay krimen kung saan ang isang tao ay:

1.     May intension na magkaroon ng pagkalamang o gain;

2.    Sa pamamaraan na di gumagamit ng dahas o intimidasyon o lakas upang kunin ang isang bagay; at

3.     Ang pagkuha ng bagay ng iba ay kinuha ng walang kaalaman ang may-ari ng bagay

 

(Who are liable for theft. — Theft is committed by any person who, with intent to gain but without violence against or intimidation of persons nor force upon things, shall take personal property of another without the latter's consent [Article 308 Revise Penal Code])

 

Ayon naman sa Artikulo 309 ng Revise Penal Code, nagkakaroon ng tinatawag na Qualified Theft kung ang pagnanakaw ay ginawa na may pag abuso sa pagtitiwa ng may-ari ng bagay na ninakaw. Ang kaparusahan dito ay mas mataas kumpara sa kaso ng Theft.

(Qualified theft. — The crime of theft shall be punished by the penalties next higher by two degrees than those respectively specified in the next preceding article, if committed by a…. or with grave abuse of confidence….. [Article 309 Revised Penal Code])

 

Kung i-aaply po natin ang mga probisyon na ito sa inyong salaysay, maaring Qualified Theft pa ang ikaso sa inyo na mas mataas pa sa Theft sa kadahilanang may pagtitiwala po sa inyo na hawakan ang pera ng kanilang Negosyo ngunit ito ay ginamit ninyo sa ibang paraan (kahit na emergency) at wala silang pagpayag sap ag-gamit mo nito sa ibang paraan.

 

Since sinasabi ninyo na may kasunduan na kayo, mabuti pong sundin ninyo ang agreement at makiusap na medyo habaan ang oras na tinakda upang makabayad. Maipapayo din na kung kayang makahiram muna sa iba ay gawin ito para mabayaran ang nasabing salapi na inyong nagamit upang di na lumala ang inyong problema dahil mukhang may kaya ang inyong amo at may kakayahan na mag-file ng kaso sa inyo.

 

Kaya dapat mag isip ng mabuti sa pag gamit ng pera ng iba at mabuting ipag-paalam natin ito kaysa magkaroon ng sakit ng ulo dahil mag fi-file ng kaso ang may-ari at kasuhan tayo. 

 

xxx

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:

 

www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:

 

laymanslawph.blogspot.com

 

Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap.Maraming salamat po. 😊


Friday, October 14, 2022

Mga grounds na binigay ng ating Family Code para sa Annulment of Marriage

 



Pagusapan natin ngayon ang mga grounds para sa Annulment of Marriage.

 

ANO BA ANG ANNULMENT? 

“Ang annulment ay isang legal na pamamaraan upang mapawalang bisa ang kasal ng mag-asawa. Ang kaibahan nito sa tinatawag na “Void Marriage” ay sa “Void Marriage” itinuturing na walang naganap na kasal mula sa umpisa o ang kasal mula sa umpisa ay void o walang bisa. Sa annulment naman (o voidable marriage), itinuturing na may kasal na naganap, ngunit ito ay napawalang bisa.

 

Para sa kaalaman kung ano ang mga grounds ng Void Marriages, maaring pupunta sa link na ito:

 

https://laymanslawph.blogspot.com/2022/09/mga-grounds-na-binigay-ng-ating-family.html

 

 

ANO ANG MGA GROUNDS NA PWEDENG GAMITIN PARA SA ANNULMENT?

Ayon sa ating Family Code of the Philipines, ang mga grounds na pwedeng gamitin para sa annulment o voidable marriage ay ang mga sumusunod:

 

Sa ilalim ng Artikulo 45 ng Family Code isinasaad na:

Ang kasal ay maaring ma-annulled sa mga sumusunod na dahilan na umiiral ng ang mag asawa ay kasal pa:

 

1.   Ang partido na humihingi ng annulment ay labing walong taong gulang pataas ngunit mababa sa dalawamput isa ang edad nung oras na kinasal, at siya ay kinasal na walang consent o pagpayag ng mga magulang o guardian;

 

2.   Ang bawat partido nung kinasal ay hindi maayos ang pag iisip maliban na lamang kung nasa ayos na ang kanilang isip ay malayang nagsama bilang mag-asawa;

 

3.   Ang consent o pagpayag ng lalaki at babae sa kasal ay nakuha sa pandaraya, maliban na lamang kung pagkatapos ng kasal ay nalaman ng isa sa mga partido ang patungkol sa pandaraya ay malayang nagsama bilang mag-asawa;

 

4.   Ang consent o pagpayag ng lalaki at babae sa kasal ay nakuha sa dahas, intimidasyon o hindi magandang impluwensya maliban kung ang mga bagay na nabanggit ay natigil o nawala at ang bawat partido ay malayang nagsama bilang mag-asawa;

 

5.     Na ang isa sa mag asawa ay hindi makunsumo ang kasal sa pisikal na paraan sa kanyang kabiyak at ang problemang ito ay nagpapatuloy at nakikitaan na hindi malulunasan;

 

6.     Na isa sa mag asawa ay nahawaan ng Sexually Transmitted Disease (STD) na masasabing seryoso at nakikitaan na di na malulunasan.


(A marriage may be annulled for any of the following causes, existing at the time of the marriage:

(1) That the party in whose behalf it is sought to have the marriage annulled was eighteen years of age or over but below twenty-one, and the marriage was solemnized without the consent of the parents, guardian or person having substitute parental authority over the party, in that order, unless after attaining the age of twenty-one, such party freely cohabited with the other and both lived together as husband and wife;

(2) That either party was of unsound mind, unless such party after coming to reason, freely cohabited with the other as husband and wife;

(3) That the consent of either party was obtained by fraud, unless such party afterwards, with full knowledge of the facts constituting the fraud, freely cohabited with the other as husband and wife;

(4) That the consent of either party was obtained by force, intimidation or undue influence, unless the same having disappeared or ceased, such party thereafter freely cohabited with the other as husband and wife;

(5) That either party was physically incapable of consummating the marriage with the other, and such incapacity continues and appears to be incurable; or

(6) That either party was afflicted with a sexually-transmissible disease found to be serious and appears to be incurable.

[Article 45 Family Code of the Philippines])

 

Sa ilalim ng Artikulo 46, sinasabi din na ang pandaraya na pinag-uusapan sa Paragraph No. 3 Artikulo 45 ng Family Code ay nagaganap sa pamamagitan ng mga sumusunod na sirkumstansya:

1.     Ang hindi pagsasabi na siya ay may nakaraang pinal na hatol ng korte sa kabilang  partido, ng krimen na sinasabing isang “moral turpitude” o kasamaang moral;

 

2.   Pagtatago ng asawang babae ng katotohanan na nung oras ng kasal, siya ay buntis sa ibang lalaki;

 

3.   Pagtatago ng pagkakaroon ng STD, na kahit anong klase, na umiiral noong oras ng kasal; o

 

4.   Pagtatago ng pagkaadik sa droga, palagiang pag-inom o pagiging homosekswal o pagiging tibo, na umiiral noong oras ng kasal.

 

Walang ibang pagbibigay ng maling impormasyon o panlilinlang na patungkol sa pagkatao, kalusugan, ranko, kayamanan o kalinisang-puri ang maaring maging dahilan ng pandaraya, na magbibigay daan para sa isang aksyon para mapawalang bisa ang isang kasal.

(Any of the following circumstances shall constitute fraud referred to in Number 3 of the preceding Article:

(1) Non-disclosure of a previous conviction by final judgment of the other party of a crime involving moral turpitude;

(2) Concealment by the wife of the fact that at the time of the marriage, she was pregnant by a man other than her husband;

(3) Concealment of sexually transmissible disease, regardless of its nature, existing at the time of the marriage; or

(4) Concealment of drug addiction, habitual alcoholism or homosexuality or lesbianism existing at the time of the marriage.

No other misrepresentation or deceit as to character, health, rank, fortune or chastity shall constitute such fraud as will give grounds for action for the annulment of marriage.

[Article 46 Family Code of the Philippines])

 


SINO ANG PWEDENG MAG FILE NG ANNULMENT?

Ayon sa Artikulo 47 ng Family Code of the Philippines, ang mga tao na pwedeng mag file ng Annulment case ay ang sumusunod:

 

Para sa grounds na binigay sa ilalim ng:

 

a.    Paragraph 1 Artikulo 45 (Walang consent ang Magulang at guardian)


– Mga magulang o Guardian ang pwedeng mag file;


 

b.     Paragraph 2 Artikulo 45 (walang katinuan ang pagiisip)


– Ang asawang nasa katinuan ng isip ang pwedeng mag file;

 

 

c.  Paragraph 3 Artikulo 45 (Consent ay nakuha sa pandaraya)


Ang nasaktang partido ang pwedeng mag file at kailangang i-file sa loob ng 5 taon pagkatapos madiskubre ang pandaraya;

 


d. Paragraph 4 Artikulo 45 (dahas, intimidasyon o hindi magandang impluwensya)


– Ang nasaktang partido ang pwedeng mag file at kailangang i-file sa loob ng 5 taon sa oras na mawala o matigil ang dahas, intimidasyon o hindi magandang impluwensya;

 

 

e.     Paragraph 5 & 6 Artikulo 45 (Par. 5: hindi makunsumo ang kasal at
Par. 6: naapektuhan ng STD na seryoso at hindi gumagaling)


– Ang nasaktang partido ang pwedeng mag file at kailangang i-file sa loob ng 5 taon pagkatapos maikasal.


(The action for annulment of marriage must be filed by the following persons and within the periods indicated herein:

(1) For causes mentioned in number 1 of Article 45 by the party whose parent or guardian did not give his or her consent, within five years after attaining the age of twenty-one, or by the parent or guardian or person having legal charge of the minor, at any time before such party has reached the age of twenty-one;

(2) For causes mentioned in number 2 of Article 45, by the same spouse, who had no knowledge of the other’s insanity; or by any relative or guardian or person having legal charge of the insane, at any time before the death of either party, or by the insane spouse during a lucid interval or after regaining sanity;

(3) For causes mentioned in number 3 of Article 45, by the injured party, within five years after the discovery of the fraud;

(4) For causes mentioned in number 4 of Article 45, by the injured party, within five years from the time the force, intimidation or undue influence disappeared or ceased;

(5) For causes mentioned in number 5 and 6 of Article 45, by the injured party, within five years after the marriage.

[Article 47 Family Code of the Philippines])

 


Sana ay may matutunan kayo sa lathalang ito upang maintindihan ang mga grounds para sa Annulment of Marriage. 

xxx

 

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:

 

www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:

 

laymanslawph.blogspot.com

 

Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap.Maraming salamat po. 😊


📷https://ayounlaw.com/wp-content/uploads/2020/02/annulment-image-e1514308691800-721x407-1.jpg

Wednesday, October 12, 2022

OFW na Ina na bumili ng nakasanglang lupa, ano ang mga pwedeng gawin? Maari bang ibenta ang lupang nakasangla?

 



Bigyan po natin ng kaalaman nag isang FB User sa kanyang tinatanong:

"Magandang Gabi po. Long story po ito Sana may makahelp. Nag advice din po Yung attorney Namin na magseek din ng opinions dito po sa page.

Manghihingi lang po sana kami ng legal advice tungkol sa nabili po namin na lupa sa province.

Nung 2021 po bumili kami Ng lupa sa Guimaras. Bali ung mother po Namin ung financer tapos po kaming 4 po na magkakapatid Ang nakapangalan.

Since nandito po kaming lahat sa Manila,

At Ang mother Namin ay OFW. Lahat Ng transaction ay pinasuyo sa pinsan Namin na malapit doon.

Churchmate po Ng pinsan Namin Ang seller Ng lupa. Kaibigan po ng tita Namin si attorney.

This year 2022 October, nag open-up saming magkapatid, si attorney na naghhandle sa transaction, na HINDI CLEAN TITLE ang nabiling lupa, nakasangla sa landbank at hindi bayad Ang tax. Aware po sila mama at pinsan dito. Kami pong anak at papa Namin Ang Hindi alam Ang case nito.

Expected ni Mama, na Yung binayad niya at ipambabayad ni seller sa utang/tax.

Sinabi Ng attorney sa simula palang pinagsabihan na niya si mother at Ang pinsan ko na wag ifull payment. Dahil that time nakadownpaymemt na sila na Ng 100k hindi alam ni attorney at Hindi Siya inadvice nila mama.

Binalikan ni attorney Yung seller na bakit sila nagmamadali sa payment e hindi daw clean Yung title. Hindi daw maganda Yung approach sa kanya.

Nagffollow up si attorney sa pinsan ko kung naayos na Ang contract. Ang Sabi niyo ok na.

Nito lang Nagulat si attorney na 100k nalang Ang balance!! 

At Hindi pa bayad ni seller Ang tax at utang sa bank!

May sinabi si attorney na may mga penalties na baka kami Ang shoulder kapag hindi naayos ni seller Ang problem like sa BRI at Bank.

Sa side po naming magkakapatid,No updates of transaction. Sila pinsan at mama lang.

Naawa lang kami sa mother Namin dahil sa totoo lang po Wala siyang idea sa pagbili  lupa (about titles) at malaki na Ang nagagastos niya sa lupa kahit Wala pang title, maliban sa cost Ng lupa, balak na po Sana palagyan Ng right of way at cost sa pagpapalinis.

As of now nanghhingi po kami ng copies Ng lahat Ng transaction sa pinsan Namin. Maglalakad po ulit Ng paper Ang attorney Namin.

Concern:

1. Pano po Yung tamang approach Kay seller about sa case nila sa bank? 

2. Need po ba Namin lumuwas Ng Guimaras para makausap si seller or si attorney na po Ang bahala?

3. Dapat po ba istop Ang any activities sa lupa at mag wait muna kami sa title?

4. Kaylangan po bang konfrontahin si pinsan about sa transaction?

Maraming salamat po!"



Ang lupang na I-mortgage po sa banko ay pwede pong ibenta ng may-ari nito. Ang sinasabi ng batas sa Article 2128 ng Civil Code:

“ARTICLE 2128. The mortgage credit may be alienated or assigned to a third person, in whole or in part, with the formalities required by law.”

 

Ibig sabihin po nito ay pwedeng ibenta ng may-ari ng lupa ang nasabing lupa kahit na ito ay naka mortgage ngunit dapat ay ang pagbebenta ay naaayon pa rin sa batas.

 

Sinasabi din sa Article 2129 at 2130 ng Civil Code na:

 

“ARTICLE 2129. The creditor may claim from a third person in possession of the mortgaged property, the payment of the part of the credit secured by the property which said third person possesses, in the terms and with the formalities which the law establishes.”

 

“ARTICLE 2130. A stipulation forbidding the owner from alienating the immovable mortgaged shall be void.”

 

Ibig sabihin po ay maaring ang paniningil ng nagpautang patungkol sa kabayaran ng sinanglang lupa ay i-claim sa nakabili ng nito. Ganun din na sinasabi na ang kontrata na nagsasabing bawal ibenta ng may-ari ng lupa na nag-sangla ang nasabing lupa sa ibang tao ay void o ang kasunduan patungkol dito ay walang bisa.

 

Samakatuwid, maaring ang nakasanglang lupa na binenta sa inyong ina na sinasabing hindi clean ang title dahil sa encumberance na nakasangla ito sa Landbank ay pwedeng mabili ng inyong ina.

 

Bago po ang lahat, inimumungkahi ko na Ipa-check ninyo muna ang titulo ng lupa sa Registry of Deeds ng lugar upang matignan kung may iba pa bang encumberances ang lupang inyong binibili, ibig sabihin kung may iba pa bang problema ito bukod sa pagkakasangla nito sa Landbank.


Kung wala namang problema at yung Landbank mortgage lang ang encumberance nito, maipapayo natin na mag execute ang abogado ninyo ng Deed of Sale with Assumption of Mortgage of the Property. Maaring dito sa kasunduan na ito ay dapat maging mababa na ang halaga ng benta ng lupa sapagkat sasaluhin ng inyong ina ang kautangan at pagbabayad ng sangla ng lupa pati na ang mga tax na hindi nabayaran.

 

Pangalawa, kung sakaling ma execute o bago na execute na ang sinasabing Deed of Sale with Assumption of Mortgage of the Property, i-notify ninyo din ang bangko upang maging aware sila na ang nasabing lupa ay na ibinenta na sa inyong ina, na ang inyong ina ay ang tinatawag na “successor/s-in-interest of the mortgagor/s”..

 

Isinussugest ko rin na pumunta din kayo sa Registry of Deeds para ma inform na may execution na ng Deed of Sale with Assumption of Mortgage of the Property, bigyan sila ng kopya upang ma record nila ito sa titulo ng lupa at para na rin sa proteksyon ninyo na sa ina ninyo naibenta ito.

 

Mas ipinapayo ko po na lumuwas kayo sa Guimaras upang makita ninyo ang lupa at makausap ninyo ng personal si Attorney ninyo pati na ang pinsan ninyo. Iba pa rin pag kayo mismo ang nag aayos ng mga transakyon nila at updated sa mga bagay bagay na kanilang ginagawa.

 

xxx

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:


laymanslawph@gmail.com


o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:


www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934


Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:


laymanslawph.blogspot.com


Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap.  Maraming salamat po. 😊


 


Monday, October 10, 2022

Lupa na iniwan ni nanay na galing sa gobyerno, inililipat ni utol sa kanyang pangalan. Mga kapatid may habol ba?

 


Sagutin po natin ang isa na namang katanungan ng isang FB User:


"Sana po my mka advise sa problem q dto.tanong lng po.tongkol sa Lupa nmin.patay napo nanay ko tapos my lupa kmi na binigay sa goberno.clowa kung tatawgin samin.nka pngalan sa nanay ko ung lupa.wala pa cyang titulo.ngaun po bglang nag patawag ang goberno nmin na member sa clowa.dhil ibibigay na ang tirulo at susukatin ulit.dahil patay na nanay ko.isa sa amin mgkakapatid ang tumayo.hnd po cya nag paalam sa amin na ilipat sa knya ang pamgalan.tanong ko lng po my habol po ba kmi doon.sana my mkkapansin sa post q.admin thankyou!"

 

Ang mga lupa na sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program ay inaaward sa mga kwalipikadong benipisyaryong magsasaka sa pamamagitan ng pag i-issue ng CLOA o ang tinatawag na Certificate of Land Ownership Award. Since base sa salaysay mo na sinasabi mo na may CLOA, ito ay masasabing sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Law natin.

Ayon po sa Section 27 ng Republic Act No. 6657 (RA 6657) o ang Comprehensive Agrarian Reform Law, as amended by Republic Act No. 9700 (RA 9700), sinasaad dito na:

 

     “Transferability of Awarded Lands. — Lands acquired by beneficiaries under this Act or other agrarian reform laws shall not be sold, transferred or conveyed except through hereditary succession, or to the government, or to the LBP, or to other qualified beneficiaries through the DAR for a period of ten (10) years….. [Section 27 RA 6657 as amended by RA 9700])”

 

Sinasabi nitong probisyon na ito na ang beneficiaries po sa ilalim nitong Comprehensive Agrarian Reform Law as amended, ang mga lupang naibigay sa mga benepisyaryo sa ilalim ng batas na ito o sa ibang repormang pagsasakang batas, ay hindi maaring ibenta, ilipat sa ibang tao o maipasa ang titulo sa iba maliban lamang kung ito ay sa pamamagitan ng pamana ng namatay, or sa gobyerno, o sa Land Bank of the Philippines o sa kahit sinong kwalipikadong benepisyaryo na dadaan sa Department of Agrarian Reform sa loob ng sampung taon.

 

Ibig sabihin po, ang paglipat po ng Awarded na Lupa ay pwede po ilipat po sa mga tagapagmana ng nagawaran ng award.

 

Dito naman po papasok ang Batas natin sa Kodigo Sibil.

 

Ayon sa Artikulo 774 ng Kodigo Sibil (Civil Code) sinasabi na:

       “Ang paghalili ay isang paraan kung saan ang pag-aari, karapatan at obligasyon hanggang sa makakaya ng halaga ng pamana, ng isang tao ay naiilipat dahil sa kanyang pagkamatay sa ibang tao sa pamamagitan ng kanyang will (last will and testament) o sa pamamagitan ng batas.

(Succession is a mode of acquisition by virtue of which the property, rights and obligations to the extent of the value of the inheritance, of a person are transmitted through his death to another or others either by his will or by operation of law. [Article 774 Civil Code])"

 

Ayon naman sa Artikulo 777 ng Kodigo Sibil (Civil Code):

       “Ang karapatan sa paghalili ay maipapasa sa oras ng pagkamatay ng taong nagpapamana ng ari-arian.

(The rights to the succession are transmitted from the moment of the death of the decedent. [Article 777 Civil Code])”

 

Samaktuwid, nung pagkamatay ng inyong ina, ang mga ari-arian, karapatan at obligasyon nito ay naipasa na sa mga lehitimong tagapagmana, which is kayong mga anak. Ibig sabihin, lahat ng mga anak ng nanay mo ay nagmamayari o tinatawag na co-owner ng mga naiwan niyang ari-arian.

 

Dahil kayong mga anak ay ang co-owner ng mga ari-ariang naiwan ng iyong ina, kasama na dito ang lupang nakuha sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program, ayon sa Artikulo 484 at 485 ng Kodigo Sibil (Civil Code):

 

            “Mayroong co-ownership kung ang pag-aari ng di hating bagay o karapatan ay pag-aari ng ibat-ibang tao.

(There is co-ownership whenever the ownership of an undivided thing or right belongs to different persons. [Article 484 Civil Code])”

 

            “ Ang bahagi na pag-aari ng mga co-owner ay pinapalagay na pantay maliban kung mapatunayang hindi pala.

(…. The portions belonging to the co-owners in the co-ownership shall be presumed equal, unless the contrary is proved. [Article 485 Civil Code])”

 

Kung i-aapply natin ang probisyong ito sa lupa na minana ninyo sa inyong ina, kung walang pagkakahati-hati dito, ay masasabing kayong mga tagapagmana ng inyong ina ay co-owners at may pantay pantay na bahagi sa lupang inyong mamanahin sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ibig sabihin, hindi pwedeng solohin ng isa ninyong kapatid ang naiwang lupa sa ilalim ng CARP lalo na kung ito ay nakapangalan sa inyong ina.

 

Ang maipapayo ko ay maghain kayo ng reklamo sa Department of Agrarian Reform patungkol dito at sabihin ang mga detalye na kayo ay mga lehitimong tagapagmana ng inyong ina at kwestyunin ang pagbibigay iisang titulo sa inyong kapatid.

 

xxx

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:

 

www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Maari din magbasa ng ating mga artikulo patungkol sa batas upang matutuo sa:

 

laymanslawph.blogspot.com

 

Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matuto po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Maraming salamat po. 😊


Sunday, October 9, 2022

Utang ng Ina, kailangan bang bayaran ng mga tagapagmana?

 


Sagutin po natin ang katanungang ng isa nating FB User:


"Goodmorning po _________.... Ask po sana ako ng advice regarding po sa lending na inutangan ng mother ko po, ______ Lending shop yung name. Namatay na po yung mother ko tapos ngayun si papa ang sinisingail ng lending. Mag tatake daw sila ng legal action po sa papa ko which is in the first place hindi po namin alam or ng papa namin na may utang ang mother namin sa lending na yun ,around 100k daw kasi ang bayaran namin at wala nga silang insurance ng namatay mother namin.. Tama po ba yun na ang father namin ang magbabayad?"


Una po, kung may utang na di nabayaran ang inyong namayapang Ina, ang ibabayad lamang po ay ang kanyang mga naiwan na mga ari-arian at hindi po obligasyon ng mga tagapagmana na bayaran ito.

 

Ayon po sa mga kaso na napag desisyunan ng Korte Suprema, sinabi nito na:

 

            “Ang sitwasyon ay iba kung ang namatay ay may naiwan na obligasyon (pagkakautang). Sa ganitong sitwasyon, ang obligasyon ay kailangang bayaran muna bago mahati ang pag-aari ng namatay (sa mga tagapagmana)…. Ang Estate (o naiwang pag-aari) ng namatay ay isusumite para sa administrasyon para sa kabayaran ng pagkakautang.

(The situation however is different where the deceased left pending obligation. In such cases, the obligation must be first paid before the estate can be divided… the estate would inevitably be submitted to administration for the payment of such debts. [Guico, et al. v. Bautista et al. G.R. No. L-14921, 1960])”

 

 

            “Ang mga anak ay hindi mananagot, kahit na merong substitution. Ang remedyo na magagawa ng naghabla, ang nagpautang, ay habulin ang pag-aari ng namatay na ama.

(The Children cannot be held personally liable, despite the substitution. The remedy of the plaintiff, the creditor, is to proceed against the estate of the deceased father [Viardo v. Belmonte, et al. G.R. No. L-14122, 1962])”

 

            “…. habang ang pagkakautang ng namatay ay hindi nababayaran, walang sobra sa di nabayaran ay maaring hatiin para bayaran ng mga tagapagmana… ang Korte ang magbibigay utos para sa pagbebenta ng pag-aari (ng namatay) para mabayaran ang kanyang pagkakautang at ang mga tagapagmana ay hindi ito maaring kwestyunin.

(…. while the debts of the deceased still remain unpaid, no residue may be divided among the heirs… the court may order the sale of sufficient property (of the estate) for the satisfaction of the debts and the heirs cannot question this. [Pampalona v. Moreto, et al. G.R. No. L-33187, 1980])”

 

Ayon sa ating Kodigo Sibil:

            “… Ang mga tagapagmana ay hindi mananagot ng lagpas sa halaga ng pag-aari na natanggap niya sa namatay na nagpamana.

(… The heir is not liable beyond the value of the property he received from the decedent. [Article 1311 Civil Code])”

 

Samakatuwid, base dito sa ating mga naibigay na probisyon, kung ang inyong ina ay may pagkakautang na naiwan bago namatay, ang maaring lamang habulin ng mga nagpautang sa kanya ay ang mga ari-arian ng namatay at mga ari-ariang pag aari ng namatay na naipasa sa mga tapagmana. Bukod dito, ay hindi na sakop ang mga personal at sariling pag-aari na naipundar ng mga tagapagmana.

 

Pangalawa, ang nagpautang ang siya dapat mag file sa Korte (Probate Court) ng kanilang “(Debt) Claims against the Estate” ng iyong ina. Kailangan nilang maipakita at mapatunayan na nagkaroon nga ng utang ang iyong ina bago ito namatay, na i-cla-claim naman po nila laban sa mga naiwang ari-arian ng namayapa ninyong ina.

Kung sakaling nga na totoo na may utang ang iyong ina sa Lending Shop, ang ari-arian lamang niyang naiwan ang pwedeng ibayad, at hindi maaring obligahin kayong mga tapapagmana o anak na bayaran ang mga natitira pang bayarin na naiwan ng inyong ina.

 

Sana ay nakatulong po ang aking naibigay na paliwanag.

 

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:

 

www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:

 

laymanslawph.blogspot.com

 

Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Maraming salamat po. 😊


Saturday, October 8, 2022

Top Box Memorandum ng LTO, ano ba ito? At ano ang mga Top Boxes ng Motorsiklo ang dapat irehistro sa LTO.

  



Atin pong sagutin ang hiling ng isang FB User na ipaliwanag ang Memorandum ng Land Transportation Office (LTO) Patungkol sa Top Boxes ng mga Motorsiklo. 


"Magandang umaga po... ...pwede po ba na pakipaliwanag ung detalye ng LTO Memo regarding top box? ano po ang bawal at ano ang pwede at hindi pwedeng i-rehistro.

Salamat po"

 

Sagutin po natin at ipaliwanag ang mga nakasaad sa LTO Memorandum na naka petsa ng Marso 15, 2016, patungkol sa guidelines ng pag iinspeksyon at apprehension kaugnay sa mga Top Boxes at Saddle Bags ng mga Motorsiklo. (Guidelines on Inspection and Apprehension relative to motorcycle Top Boxes and Saddle Bags)

 

May dalawang parte ang Memorandum na ito. Una, ay ang mga alituntunin patungkol sa Top Boxes, at pangalawa, ay ang alituntunin para sa Saddle Bags o Boxes.

 

I.                 MGA ALITUNTUNIN SA TOP BOXES.

 


A.     Ano ba ang Top Boxes?

               Ayon sa nasabing LTO Memorandum, ang Top Boxes ay isang lalagyanan o tinatawag na “Storage Compartment” na nakalagay sa likod na upuan ng isang motorsiklo at kinokonsidera na isang “Accessory” ng Motor

(A TOP BOX is a storage compartment fitted behind the seat of a motorcycle or scooter and is considered a motorcycle accessory.)

 

B.   Anong Top Boxes ba ang maaring hindi na dumaan sa inspeksyon, rehistro o pagkahuli (apprehension) ng LTO?

 

Ayon sa Number 1 na parte ng nasabing Memorandum, ang mga Top Boxes na ispesipikadong dinisenyo para sa motorsiklo at Scooter, at inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI), ay maaring hindi na dumaan sa inspeksyon, rehistro o pagkahuli (apprehension) ng LTO, NGUNIT dapat ito ay sumunod sa alituntunin na:

 

a.      Ito ay nakakabit ng maayos at maigi sa motorsiklo; at

b.   Ang pinakamalaking kapasidad nito ay dapat magkasya ang dalawang Full Faced Helmet.

 

(1. A top box that is specifically designed for motorcycles and scooters and approved by DTI may not be subject for inspection, registration or apprehension provided that it conforms to the following:

a. It must be securely attached to the motorcycle.

b. It has a maximum capacity of two (2) full-faced helmets.)

 

C.    Anong Top Boxes ba ang kailangang dumaan sa  inspeksyon at rehistro ng LTO?

 

Ayon sa Number 2 ng nasabing Memorandum, Ang mga CUSTOM -MADE TOP BOXES na kalimitang ginagamit sa Fast Food Delivery, ay dadaan sa inspeksyon at rehistro ng LTO, at kailangang sumonod sa alituntunin na:

 

a. Ang Top Box ay nakakabit ng maayos at maigi sa motorsiklo;

b. Ang dimension ng Top Box at hindi dapat lalagpas sa 2 Feet sa haba at 2 Feet sa lapad at 2 Feet sa taas;

c. Ang Top Box ay kailangang hindi makasagabal na makita ang daan sa pamamagitan ng side mirror ng motorsiklo.

 

Kung ang mga nasabing alituntunin ay nasunod, kailangang mag bayad ng Isangdaang Piso (P100.00) na Registration Fee para dito.

Ang isang hindi Rehistradong Custom-Made Top Boxes ay maaring hulihin ng LTO at mag-multa ng halagang Limang Libong Piso (P5,000.00) (Sec. 11-D DOTC Joint Administrative Order No. 2014-01)

(2. CUSTOM-MADE TOP BOXES (e.g., fast food delivery boxes) must conform to the following and are subject to inspection and registration:

a. I must be securely attached to the motorcycle.

b. The dimensions must not exceed two (2) feet in length by two (2) feet width by two (2) feet in 
                   height (2ft x 2ft x 2ft).

c. It must not impede or obstruct the view of the rider of the road from the side mirrors.

    Provided that the abovementioned requirements are complied with, a Pl00.00 registration fee shall be collected. Unregistered custom-made TOP BOXES are subject to apprehension with a penalty of PS,000.00 pursuant to DOTC joint Administrative Order OAO) 2014-01 Section 11-D, Motor Vehicle Operating Without or With Defective/Improper/Unauthorized Accessories, Devices, Equipment and Parts.)

 

 

II.  MGA ALITUNTUNIN PATUNGKOL SA SADDLE BAG O BOXES


 

A.     Ano ang Saddle Bags o Boxes

 

Ayon sa Number 3 ng nasabing Memorandum, ang Saddle Bags o Boxes ay ay isang lalagyanan o tinatawag na “Storage Compartment” at kinokonsidera na “Accessories” ng motorsiklo.

         (3. SADDLE BAGS or BOXES are storage compartments and are considered motorcycle accessories...)

 

B.     Anong Saddle Bags ba ang maaring hindi na dumaan sa inspeksyon, rehistro o pagkahuli (apprehension) ng LTO?

 

        Ang Saddle Bags na ispesipikadong ginawa para sa motorsiklo at scooter ay dapat aprubado ng DTI, ay ay maaring hindi na dumaan sa inspeksyon, rehistro o pagkahuli (apprehension) ng LTO, NGUNIT dapat ito ay sumunod sa alituntunin na:

 

a. Ang Saddle Bag nakakabit ng maayos at maigi sa motorsiklo;

b. Ang pagkakakabit ng Saddle Bag ay hindi dapat mataas sa upuan ng motorsiklo at Scooter

(3. … Saddle bags that are specifically designed for motorcycles and scooters and approved by DTI may not be subject for inspection, registration or apprehension provided that it conforms to the following:

            a. It must be securely attached to the motorcycle.

            b. Installation of saddle bags must not be higher than the seat of the motorcycle or scooter.)

 

D.     Anong Saddle Bag ba ang kailangang dumaan sa  inspeksyon at rehistro ng LTO?

 

Ayon sa Number 4 ng nasabing Memorandum, Ang Custom-Made na Saddle Bag o Boxes ay ay dadaan sa inspeksyon at rehistro ng LTO at kailangang sumonod sa alituntunin na:

 

a. Ito ay nakakabit ng maayos at maigi sa motorsiklo;

b. Ang pagkakakabit ng Saddle Bag ay hindi dapat mataas sa upuan ng motorsiklo at Scooter

c. Ito ay hindi dapat lalagpas ng labing apat na pulgada (14 Inches) ang gilid nito;

d. Ang haba ay hindi lalagpas sa dulo ng motorsiklo o scooter.


                Kailangan din magbayad ng Isangdaang Piso (P100.00) Registration Fee sa LTO.

               Ang isang hindi Rehistradong Custom-Made Saddle Bag o Boxes ay maaring hulihin ng LTO at mag-multa ng halagang Limang Libong Piso (P5,000.00) (Sec. 11-D DOTC Joint Administrative Order No. 2014-01)

(4. CUSTOM-MADE SADDLE BAGS or BOXES must conform to the following and are subject to inspection and registration:

a.  It must be securely attached to the motorcycle.

b. Installation of saddle bags must not be higher than the seat of the motorcycle or scooter.

c. They shall not exceed fourteen (14} inches from the sides.

d. Length must not exceed the tail end of the motorcycle or scooter.

Provided that the abovementioned requirements are complied with, a Pl00.00 registration fee shall be collected.

Unregistered custom-made SADDLE BAGS or BOXES are subject to apprehension with a penalty of PS,000.00 pursuant to DOTC joint Administrative Order 2014-01 Section 11-D, Motor Vehicle Operating Without or With Defective/Improper/ Unauthorized Accessories, Devices, Equipment and Parts.)

 


    III.   Sino ang maaring humuli sa mga nagkasala sa LTO Memorandum na ito?

 

Ayon sa nasabing Memorandum, ang LTO Law Enforcement Officers at ang kanilang Ahente (Agent) na inatasan ng LTO para ipatupad ang mga nasasaad sa batas na RA 4136 o ang “Land Transportation and Traffic Code” at iba pang tuntunin patungkol sa Land Transportation ay binibigyang kapangyarihan  o pinapayagan na hulihin ang mga lumabag sa Memorandum na ito.

 

Ngunit hindi kasama dito ang mga ahente na humuhuli para sa mga paglabag sa Anti-Drunk and Druggard Driving Act, Anti-Smoke Belching Act at Anti-Overloading Law.

 

Ang lahat na may ari ng motorsiklong may Custom-made na Top Boxes, Saddle Bag o Boxes ay kailangang magparehistro at binibigyan ng siyamnapung araw mula sa petsa ng Memorandum, na iparehistro ang mga ito sa LTO.

 

(Only LTO Law Enforcement Officers and Agents deputized by LTO to enforce the provisions of R.A. No. 4136 and other related land transportation laws, rules and regulations, are authorized/ allowed to apprehend violators of the provisions of this Memorandum. Agents deputized by LTO specifically for R.A. No. 10586 (Anti-Drunk and Drugged Driving Act}, Section 46 of R.A. 8749 (Anti-Smoke Belching Act} and R.A. No. 8794 (Anti-Overloading Law} are barred in enforcing the provisions of this Memorandum. All motorcycle owners with unregistered custom-made TOP BOXES or SADDLE BAGS or BOXES are given ninety (90} days from the date of this Memorandum to register the same with the LTO.)


xxx

Sana ay nakatulong itong aking paliwanag patungkol sa nasabing Memorandum at upang makatulong din sa mga ordinaryong Pilipino upang maintindihan ang ating batas sa madaling paraan.


Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:


laymanslawph@gmail.com


o pumunta upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino sa ating FB Page na Layman's Law PH:


www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934


Disclaimer lang, ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. Maraming Salamat mga Ka-Layman's!!! 🙂



📷https://www.motodeal.com.ph/custom/blog-post/header/motorcycle-top-box-618b98005dbb7.jpg
📷https://cf.shopee.ph/file/569d05c5a56a7a759cbe71eb79697b60
LTO Memorandum dated March 15, 2016 - https://lto.gov.ph/images/ISSUANCES/Memorandum/Memo_MCTopBoxesSaddleBags.pdf