Wednesday, September 28, 2022

Problema sa Right of Way at ang mga ilang karapatan ng may ari ng lupa sa kanyang pag-aari

Tunghayan natin ang hinaing ng isang FB User patungkol sa usapin ng Right of Way na gustong makamtan ng kayang kapitbahay:


KATANUNGAN: 

"Ask ko lang po. Bahay ko po yung may car sa front. End lot po ako or dead end. Bawal po ba yung kotse ko sa daan? Kasi gusto po nung nasa harapan yung lote pa lang po kanya. Malinis yung daanan nya gusto nya gawing daanan po yung harapan ko papunta sa kabilang lote. Sya po ay tabing kalsada. Ayaw nya po na iikot pa sya sa kalsada pag pupunta po sa kabila. May batas po ba na pede humingi ng right of way yung nasa bukana na ng kalsada. Hihingi sya daan sa nasa likod nya?may bussiness pa po ba sya sa likuran? Salamat po sa sasagot God bless"




Ipaliwanag po natin para maintindiihan kung ano po ba ang Right of Way o Easement na tinatawag:


Ang right of way o easement ay daan na binibigay sa isang katabing lupa kung ito ay walang malabasan papunta sa tinatawag na main road.


Kung may madadaanan pa ito, kahit na malayo o kahit sa dagat o ilog ang madadaanan, ay hindi na puwedeng obligahin ang katabing lupa na mag bigay nito para lang sa kanyang kapakinabangan. Pag nangyari ito, nagkakaroon ng tinatawag na "Unjust Enrichment" sa panig ng humihingi ng right of way. Ang pagdaan sa malayo ay sinasabing "burden" ng  humihingi ng right of way na meron naman pwede pang labasan.


Sa iyong kaso, mabuti nang isarado mo na lang ang nakabukas na bahagi ng pader. Hindi naman kailangan na pader ang ilagay, kahit na mga kawayan o kahoy ay pwede na kung ang bahagi na iyon ay iyong pag aari. Ipaliwanag din sa barangay na mayroon pang madadaanan ang kapitbahay mo upang makapunta sa kabilang lugar o sa main road.


FOLLOW UP QUESTION:

"Layman's Law PH malaking tulong po.

Salamat po.

Pede ask pa po, natapus na po ang 3rd hearing sa brgy. Wala po napagkasunduan. Dahil ayaw po nya ng binibigay namen na daang tao at para sa motor. Mag uusad po ako ng kotse. Gusto nya alisin ang kotse. Kaya po sabi ko iakyat nya na po sa mas mataas. Mag demanda nlng po sya.

Malaki po ba laban ko?

Thank you po"



Sagutin po natin ang tanong ninyo:

Kung pag aari mo ang area na kung saan ay nakaparada ang iyong kotse hanggang sa pader na sinasabi mo na may butas, may karapatan ka dahil sa pag-aari mo iyon. Ayon sa ating batas o Kodigo Sibil, (Civil Code):

 

“Ang may ari (ng property) ay may karapatan na ma-enjoy at maibenta ito (property), ng walang ibang limitasyon kundi kung ano ang nasasaad sa batas
(The owner has the right to enjoy and dispose of a thing, without other limitations than those established by law… [Article 428, Civil Code])”

 

“Ang may ari o sinomang may karapatan sa pag-aari ng bagay (property) ay may karapatan na ibukod (exclude) ang sinoman, para sa pag enjoy at pag-benta nito. Maaring gumamit ng pwersa (force) ang may ari kung kinakailangan para maitaboy or mapigilan ang sino mang sa illegal na panghihimasok o pag ukupa ng pag-aari(property)
(The owner or lawful possessor of a thing has the right to exclude any person from the enjoyment and disposal thereof. For this purpose, he may use such force as may be reasonably necessary to repel or prevent an actual or threatened unlawful physical invasion or usurpation of his property.[Article 429, Civil Code])”

 

“Ang bawat may ari ng bagay(Property) ay maaring isarado or lagyan ng bakod  ang kanyang lupain o pag aari, na maaring pader, kanal, mga bakod o sa kahit anong bagay na hindi nakaksagabal sa “Servitudes” (o tinatawag na easement o right of way) na legal na naibigay (Every owner may enclose or fence his land or tenements by means of walls, ditches, live or dead hedges, or by any other means without detriment to servitudes constituted thereon. [Article 430, Civil Code])”

 

Samakatuwid, etong mga binigay kong probisyon na batas ay iyong magagamit upang maproteksyunan mo ang iyong lupang pag aari at masabi sa kapitbahay mo na ikaw ay may karapatan na gawin ang pagbabakod sa paligid ng iyong lupang nasasakupan sa kadahilanang ipinahihintulot ito ng batas. Karapatan mo rin na ma enjoy ito at gumamit ng pwersa kung kinakailangan upang maitaboy ang mga taong gustong umangkin o gumamit dito.

 

Sana ay nakatulong ang aking payo upang mas maging kampante kayo na kahit mag file ng kaso ang kapit bahay ninyo ay may pinanghahawakan kayong batas na alam ninyo na inyo pong karapatan.

 

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o pumunta upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino sa ating FB Page link:

 

https://www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Disclaimer lang, ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. Salamat. 🙂


No comments:

Post a Comment