Atin pong subukang sagutin ang katanungan ng isang FB User na sinasabi na:
“Ano po pwede i kaso kapag po nakipagtalik ka ng labag sa kalooban mo. Yun po kasi naka date ko. Ay sapilitan na ipinasok ng walang condom
Ngaun po ay mentally and emotionally stressed ako. Iniisip ko Kung ano maaring sakit ang makuha ko Kung HPV or HIV foreigner po eto. Hindi ko po matanggap yun pangyayaring yun. Any advice po?
At ano po ang kaylangan gawin? Thank you!”
Ayon po sa ating Revised Penal Code Artikulo 266-A as amended by RA 8353, may dalawang uri ng Rape ayon sa Artikulo na ito:
1. Ang unang uri ay tinatawag na “Rape by Sexual Intercourse” kung saan ang mga elemento ay:
a. Ang gumawa ng krimen o offender ay lalaki;
b. Ang offender ay may tinatawag na "CARNAL KNOWLEDGE" sa babae;
c. At ang pag-gawa ng krimen at naisakatuparang sa mga sumusunod na sirkumstanya:
i. Pag-gamit ng Dahas (force), Intimidasyon at threat;
ii. Ang babae ay walang kakayahang mag rason o wala sa ulirat;
iii. Sa pamamagitan ng tinatawag na Fraudulent Machination o panlilinlang o kaya ay Grave Abuse of Authority o Pag-gamit ng kapangyarihan ng isang tao; o kaya ay
iv. Ang babae ay mababa sa 16 ang edad (Republic Act No. 116481) o ito ay isang wala sa tamang pag iisip (demented).
Take note po natin ang "Carnal Knowledge" na ayon sa Korte Suprema ay “the act of a man having sexual bodily connections with a woman; sexual intercourse. An essential ingredient thereof is the penetration of the female sexual organ by the sexual organ of the male.
[People v. Borromeo G.R. No. 238176, January 14, 2019]”.
2. Ang ikalawang uri naman “Rape through Sexual Assault” kung saan ang mga elemento ay:
a. Ang gumawa ng krimen o offender ay lalaki o babae;
b. Ang offender ay gumawa ng tinatawag na Sexual Assault sa pamamagitan ng:
i. Ang pagpasok ng Ari ng lalaki sa Bibig o pwet ng biktima; o
ii. Ang pagpasok ng kung ano mang intrumento o bagay sa Ari o pwet.
c. At ang pag-gawa ng krimen at naisakatuparang sa mga sumusunod na sirkumstanya:
i. Pag-gamit ng Dahas (force) o Intimidasyon;
ii. Ang babae ay walang kakayahang mag rason o wala sa ulirat;
iii. Sa pamamagitan ng tinatawag na Fraudulent Machination o panlilinlang o kaya ay Grave Abuse of Authority o Pag-gamit ng kapangyarihan ng isang tao; o kaya ay
iv. Ang babae ay mababa sa 16 ang edad (Republic Act No. 116481) o ito ay isang wala sa tamang pag iisip (demented).
Kung i-aaply ang mga nasabing batas sa iyong kwento, maaring napapaloob ang iyong sirkumstansya sa unang uri ng rape o ang “Rape by Sexual Assault” sa kadahilanang ayon sa iyong kwento, naipasok ng sapilitan ng Foreiner ang kanyang ari sa iyong ari.
Ang totoo, ayon sa desisyon ng Korte Suprema, hindi kailangan kumpleto ang penetrasyon sa ari para magkaroon ng kasong Rape bagkus ang penetrasyon o ang paglapat ng Ari ng lalake o ano mang bagay (sa bibig, sa ari o labia ng pwerta, o sa pwet) ay nagkakaroon ng krimen na tinatawag na Rape. [People v. Ferrer GR 142662, People v. Orilla GR 148939-40]
Tandan din na kung sakaling mapatunayan na may sakit na HIV o STD ang nang-gahasa sa iyo, maaring maging tinatawag na "Qualified Rape" ang maikaso na nasasaad sa Artikulo 266-B ng Revised Penal Code.
Ang maipapayo na iyong magagawa ay lumapit ka sa tanggapan ng Piskalya at mag file ng COMPLAINT patungkol sa pangyayari. Kung makakahingi ka ng video sa cctv ng lugar na pinagdalahan mo ay mas mabuti bilang ebidensya ng iyong paratang na ikaw nga ay nagahasa. If ever ma file ang iyong kaso, ang gobyerno po ng Pilipinas ang uusig sa akusado sa pamamagitan ng Fiscal na hahawak sa iyong kaso.
Sana ay nakatulong itong aking payong legal upang magawa mo ang mga tamang hakbang at upang makatulong din sa mga ordinaryong Pilipino upang maintindihan ang ating batas sa madaling paraan.
Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:
laymanslawph@gmail.com
o pumunta upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino sa ating FB Page na Layman's Law PH:
www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934
Disclaimer lang, ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. Salamat. 🙂
No comments:
Post a Comment