Atin pong
subukang sagutin ang katanungan ni isang FB User patungkol sa “is there any
other way to make the marriage void?”
Ayon sa ating
Family Code, ang mga sumusunod ay ground para maging tinatawag na Void Marriage ang
isang Kasal:
A. Ang mga Void
Marriage sa ilalim ng Artikulo 35 ng Family Code:
1.
Kung nagpakasal ng below 18 years old na edad, kahit na may pagkunsinti ang mga
magulang;
2.
Kung ang nagkakasal o tinatawag na “Solemnizing Officer ay hindi otorisado na
magkasal (o isa siyang pekeng nagkakasal);
3.
Ang “Solemnizing Officer ay walang lisensya para magkasal;
4.
Ang kasal na naganap, ay ikalawang kasal na pala ng isa sa Partido o tinatawag
na Bigamous o Polygamous
5.
Mayroong mistaken identity sa alinman sa mga ikakasal;
6. O
kaya nagpakasal sa ikalawang pagkakataon ngunit hindi nakapagsumite ng
“Judgment on Annulment/Nullity of Preceding marriages” sa Civil Registry /
Proper Registry.
B. Ang grounds
ng Psychological Incapacity sa Ilalim ng Artikulo 36 ng Family Code
C. Ang kasal ay
isang tinatawag na “Incestuous” sa ilalim ng Artikulo 37 ng Family Code kung
saan sinasaad na bawal ikasal ang:
a.
Ang Ascendants (kadalasan ito ay mga lolo, lola, nanay, tatay) at Descendants
(mga anak o apo);
b.
Magkapatid na lalaki o babae (kapatid na buo at kahit half sibling)
D. At ang huli,
na nasa ilalim ng Artikulo 38 ng Family Code, ang mga Void Marriage dahil sa
kadahilanang ito ay hindi naayon sa ating Pampublikong Polisiya o "Public
Policy". Ito ay kasal sa pagitan ng:
a.
Mga kamag anak, Lehitimo man ito o hindi hanggang sa ikaapat na degree (4th
Civil Degree)
b.
Step parents at Step Children
c.
Parents-In-Law at Children-In-Law
d.
Adopting Parent at Adopted child
e.
Surviving Spouse at Adopted Child
f.
Surviving Child of the Adopted Child at Adopting Parents
g.
Adopted Child at Lehitimong Anak ng nag ampon
h.
Kasal sa pagitan ng mga adopted Children ng Adopter
i.
Kung ang isang Partido ay pinatay ang asawa ng iba or kanyang asawa upang
makapangasawa
Tandaan natin na
ang pag fifile sa korte para maipawalang bisa ng kasal sa ground na VOID
MARRIAGE ay hindi nag preprescribe alinsunod sa Artikulo 39 ng ating Family
Code na inamyendahan ng RA 8533.
kung may
katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para
sa kaalaman ng lahat maaring mag email sa:
laymanslawph@gmail.com
o pumunta sa ating FB Page na Layman’s Law PH sa pag click ng link na ito upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino:
https://www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934
Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:
laymanslawph@gmail.com
o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:
www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934
Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:
laymanslawph.blogspot.com
Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap.Maraming salamat po. 😊
No comments:
Post a Comment