Saturday, October 8, 2022

Top Box Memorandum ng LTO, ano ba ito? At ano ang mga Top Boxes ng Motorsiklo ang dapat irehistro sa LTO.

  



Atin pong sagutin ang hiling ng isang FB User na ipaliwanag ang Memorandum ng Land Transportation Office (LTO) Patungkol sa Top Boxes ng mga Motorsiklo. 


"Magandang umaga po... ...pwede po ba na pakipaliwanag ung detalye ng LTO Memo regarding top box? ano po ang bawal at ano ang pwede at hindi pwedeng i-rehistro.

Salamat po"

 

Sagutin po natin at ipaliwanag ang mga nakasaad sa LTO Memorandum na naka petsa ng Marso 15, 2016, patungkol sa guidelines ng pag iinspeksyon at apprehension kaugnay sa mga Top Boxes at Saddle Bags ng mga Motorsiklo. (Guidelines on Inspection and Apprehension relative to motorcycle Top Boxes and Saddle Bags)

 

May dalawang parte ang Memorandum na ito. Una, ay ang mga alituntunin patungkol sa Top Boxes, at pangalawa, ay ang alituntunin para sa Saddle Bags o Boxes.

 

I.                 MGA ALITUNTUNIN SA TOP BOXES.

 


A.     Ano ba ang Top Boxes?

               Ayon sa nasabing LTO Memorandum, ang Top Boxes ay isang lalagyanan o tinatawag na “Storage Compartment” na nakalagay sa likod na upuan ng isang motorsiklo at kinokonsidera na isang “Accessory” ng Motor

(A TOP BOX is a storage compartment fitted behind the seat of a motorcycle or scooter and is considered a motorcycle accessory.)

 

B.   Anong Top Boxes ba ang maaring hindi na dumaan sa inspeksyon, rehistro o pagkahuli (apprehension) ng LTO?

 

Ayon sa Number 1 na parte ng nasabing Memorandum, ang mga Top Boxes na ispesipikadong dinisenyo para sa motorsiklo at Scooter, at inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI), ay maaring hindi na dumaan sa inspeksyon, rehistro o pagkahuli (apprehension) ng LTO, NGUNIT dapat ito ay sumunod sa alituntunin na:

 

a.      Ito ay nakakabit ng maayos at maigi sa motorsiklo; at

b.   Ang pinakamalaking kapasidad nito ay dapat magkasya ang dalawang Full Faced Helmet.

 

(1. A top box that is specifically designed for motorcycles and scooters and approved by DTI may not be subject for inspection, registration or apprehension provided that it conforms to the following:

a. It must be securely attached to the motorcycle.

b. It has a maximum capacity of two (2) full-faced helmets.)

 

C.    Anong Top Boxes ba ang kailangang dumaan sa  inspeksyon at rehistro ng LTO?

 

Ayon sa Number 2 ng nasabing Memorandum, Ang mga CUSTOM -MADE TOP BOXES na kalimitang ginagamit sa Fast Food Delivery, ay dadaan sa inspeksyon at rehistro ng LTO, at kailangang sumonod sa alituntunin na:

 

a. Ang Top Box ay nakakabit ng maayos at maigi sa motorsiklo;

b. Ang dimension ng Top Box at hindi dapat lalagpas sa 2 Feet sa haba at 2 Feet sa lapad at 2 Feet sa taas;

c. Ang Top Box ay kailangang hindi makasagabal na makita ang daan sa pamamagitan ng side mirror ng motorsiklo.

 

Kung ang mga nasabing alituntunin ay nasunod, kailangang mag bayad ng Isangdaang Piso (P100.00) na Registration Fee para dito.

Ang isang hindi Rehistradong Custom-Made Top Boxes ay maaring hulihin ng LTO at mag-multa ng halagang Limang Libong Piso (P5,000.00) (Sec. 11-D DOTC Joint Administrative Order No. 2014-01)

(2. CUSTOM-MADE TOP BOXES (e.g., fast food delivery boxes) must conform to the following and are subject to inspection and registration:

a. I must be securely attached to the motorcycle.

b. The dimensions must not exceed two (2) feet in length by two (2) feet width by two (2) feet in 
                   height (2ft x 2ft x 2ft).

c. It must not impede or obstruct the view of the rider of the road from the side mirrors.

    Provided that the abovementioned requirements are complied with, a Pl00.00 registration fee shall be collected. Unregistered custom-made TOP BOXES are subject to apprehension with a penalty of PS,000.00 pursuant to DOTC joint Administrative Order OAO) 2014-01 Section 11-D, Motor Vehicle Operating Without or With Defective/Improper/Unauthorized Accessories, Devices, Equipment and Parts.)

 

 

II.  MGA ALITUNTUNIN PATUNGKOL SA SADDLE BAG O BOXES


 

A.     Ano ang Saddle Bags o Boxes

 

Ayon sa Number 3 ng nasabing Memorandum, ang Saddle Bags o Boxes ay ay isang lalagyanan o tinatawag na “Storage Compartment” at kinokonsidera na “Accessories” ng motorsiklo.

         (3. SADDLE BAGS or BOXES are storage compartments and are considered motorcycle accessories...)

 

B.     Anong Saddle Bags ba ang maaring hindi na dumaan sa inspeksyon, rehistro o pagkahuli (apprehension) ng LTO?

 

        Ang Saddle Bags na ispesipikadong ginawa para sa motorsiklo at scooter ay dapat aprubado ng DTI, ay ay maaring hindi na dumaan sa inspeksyon, rehistro o pagkahuli (apprehension) ng LTO, NGUNIT dapat ito ay sumunod sa alituntunin na:

 

a. Ang Saddle Bag nakakabit ng maayos at maigi sa motorsiklo;

b. Ang pagkakakabit ng Saddle Bag ay hindi dapat mataas sa upuan ng motorsiklo at Scooter

(3. … Saddle bags that are specifically designed for motorcycles and scooters and approved by DTI may not be subject for inspection, registration or apprehension provided that it conforms to the following:

            a. It must be securely attached to the motorcycle.

            b. Installation of saddle bags must not be higher than the seat of the motorcycle or scooter.)

 

D.     Anong Saddle Bag ba ang kailangang dumaan sa  inspeksyon at rehistro ng LTO?

 

Ayon sa Number 4 ng nasabing Memorandum, Ang Custom-Made na Saddle Bag o Boxes ay ay dadaan sa inspeksyon at rehistro ng LTO at kailangang sumonod sa alituntunin na:

 

a. Ito ay nakakabit ng maayos at maigi sa motorsiklo;

b. Ang pagkakakabit ng Saddle Bag ay hindi dapat mataas sa upuan ng motorsiklo at Scooter

c. Ito ay hindi dapat lalagpas ng labing apat na pulgada (14 Inches) ang gilid nito;

d. Ang haba ay hindi lalagpas sa dulo ng motorsiklo o scooter.


                Kailangan din magbayad ng Isangdaang Piso (P100.00) Registration Fee sa LTO.

               Ang isang hindi Rehistradong Custom-Made Saddle Bag o Boxes ay maaring hulihin ng LTO at mag-multa ng halagang Limang Libong Piso (P5,000.00) (Sec. 11-D DOTC Joint Administrative Order No. 2014-01)

(4. CUSTOM-MADE SADDLE BAGS or BOXES must conform to the following and are subject to inspection and registration:

a.  It must be securely attached to the motorcycle.

b. Installation of saddle bags must not be higher than the seat of the motorcycle or scooter.

c. They shall not exceed fourteen (14} inches from the sides.

d. Length must not exceed the tail end of the motorcycle or scooter.

Provided that the abovementioned requirements are complied with, a Pl00.00 registration fee shall be collected.

Unregistered custom-made SADDLE BAGS or BOXES are subject to apprehension with a penalty of PS,000.00 pursuant to DOTC joint Administrative Order 2014-01 Section 11-D, Motor Vehicle Operating Without or With Defective/Improper/ Unauthorized Accessories, Devices, Equipment and Parts.)

 


    III.   Sino ang maaring humuli sa mga nagkasala sa LTO Memorandum na ito?

 

Ayon sa nasabing Memorandum, ang LTO Law Enforcement Officers at ang kanilang Ahente (Agent) na inatasan ng LTO para ipatupad ang mga nasasaad sa batas na RA 4136 o ang “Land Transportation and Traffic Code” at iba pang tuntunin patungkol sa Land Transportation ay binibigyang kapangyarihan  o pinapayagan na hulihin ang mga lumabag sa Memorandum na ito.

 

Ngunit hindi kasama dito ang mga ahente na humuhuli para sa mga paglabag sa Anti-Drunk and Druggard Driving Act, Anti-Smoke Belching Act at Anti-Overloading Law.

 

Ang lahat na may ari ng motorsiklong may Custom-made na Top Boxes, Saddle Bag o Boxes ay kailangang magparehistro at binibigyan ng siyamnapung araw mula sa petsa ng Memorandum, na iparehistro ang mga ito sa LTO.

 

(Only LTO Law Enforcement Officers and Agents deputized by LTO to enforce the provisions of R.A. No. 4136 and other related land transportation laws, rules and regulations, are authorized/ allowed to apprehend violators of the provisions of this Memorandum. Agents deputized by LTO specifically for R.A. No. 10586 (Anti-Drunk and Drugged Driving Act}, Section 46 of R.A. 8749 (Anti-Smoke Belching Act} and R.A. No. 8794 (Anti-Overloading Law} are barred in enforcing the provisions of this Memorandum. All motorcycle owners with unregistered custom-made TOP BOXES or SADDLE BAGS or BOXES are given ninety (90} days from the date of this Memorandum to register the same with the LTO.)


xxx

Sana ay nakatulong itong aking paliwanag patungkol sa nasabing Memorandum at upang makatulong din sa mga ordinaryong Pilipino upang maintindihan ang ating batas sa madaling paraan.


Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:


laymanslawph@gmail.com


o pumunta upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino sa ating FB Page na Layman's Law PH:


www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934


Disclaimer lang, ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. Maraming Salamat mga Ka-Layman's!!! 🙂



📷https://www.motodeal.com.ph/custom/blog-post/header/motorcycle-top-box-618b98005dbb7.jpg
📷https://cf.shopee.ph/file/569d05c5a56a7a759cbe71eb79697b60
LTO Memorandum dated March 15, 2016 - https://lto.gov.ph/images/ISSUANCES/Memorandum/Memo_MCTopBoxesSaddleBags.pdf

No comments:

Post a Comment