Thursday, October 6, 2022

Lola na may ari ng lupa kasama ng tiyuhin, nakipagkasundo na bigyan ng Right of Way ang kamag-anak. Ina ng sender, may karapatan ba patungkol dito?

 


Sagutin po natin ang ipinadalang katanungan ng isang FB User:


"maaari po ba akong magpa advice itoy tungkol sa lupa ng mama ko na mamanahin palang nilang dalawa ang tito sa parents nila...

ganito po kasi ang problema . noong 2015 bumili ang kamag anak namin ng rights of way kasi benenta nya iyong . lupa nya sa likorong bahagi ng lupa namin bali ang ibig ko sabihin kami kasi ang nasa front ng lupa nila.
ibenenta ng kamag anak namin ang lupa nila so bumili sya ng right of way sa lola ko... sabi ni nanay iyong dalawang anak lang niya ang mag decide so si mama ayaw nya pero dahil ayaw ni mama so si nanay at si tito ang nag decide... ayon napo bali ang nandon sa kasulatan ay. 4meters po ang laki ng right of way at binili nila ito ng halagang 10000 pesos ( at ang haba namn nito nasa 300meters po )

unang tanong ko po.
#Talagabang walang rights si mama kasi dalawa sila si nanay ang pumirma
#pangalawa tama po ba na bayaran ng 10k ang right of way na ganon ka laki ..
in addition to that gawing subdivision ang lupa na binili"

 

1.      TANONG: Talaga bang walang rights ang mama ninyo kasi dalawa sila ng tito at nanay niya ang pumirma para magkaroon ng right of way?

 

Una po, since buhay pa ang Lola mo (nanay ng ina mo) ang pag aari ng lupa ay nasa kanya pa rin.

 

Ayon sa Artikulo 777 ng Kodigo Sibil (Civil Code):

 

“ Ang karapatan ng paghalili (bilang may ari sa mga ari-arian ng iyong lola) ay maipapasa lamang sa oras ng pagkamatay ng may-ari nito.

(The rights to the succession are transmitted from the moment of the death of the decedent. [Article 777 Civil Code])”

Ibig sabihin po nito, ang pag-aari ng lupa ay mananatili sa lola mo at hindi maiilipat sa kanyang mga anak hanggat siya ay buhay. Maililipat lamang ang pag-aari sa mga anak ng lola mo sa oras ng kanyang pag panaw kung ang pag uusapan dito ay ang pagmamana ng lupa.

 

Bilang may ari ng lupa, ang Lola mo ay may karapatan kung kagustuhan niyang magbibigay siya ng “Right of Way” o yung tinatawag na “Easement”. Ayon sa Artikulo 619 ng Kodigo Sibil (Civil Code)

 

“ Ang right of way ay pwedeng sa pamamagitan ng batas o kagustuhan ng may-ari. Ang nauna ay tinawag na “Legal Easement” at ang huli ay tinatawag na “Voluntary Easement”.

(Easements are established either by law or by the will of the owners. The former are called legal and the latter voluntary easements. [Article 619 Civil Code])”

 

Kung i-aapply natin ang probisyong ito sa kwento mo, ang nangyari, since ang may-ari pa rin ng lupa ay ang lola mo, ay nagkaroon ng tinatawag na “Voluntary Easement” sa pagpayag niya na bigyan ng right of way ang inyong kamag anak.

              

Samakatuwid, dahil sa hindi pa pag-aaring lubos ng nanay mo ang lupa ng lola mo dahil sa buhay pa ito, ay mas may karapatan si Lola mo na mag decide kung ano ang gagawin sa lupa niya, at ang pagbibigay niya ng right of way para sa kamag anak ninyo ay puwede ibigay ng lola ninyo dahil siya pa rin ang may-ari ng lupa  na maipapasa lamang sa mga anak niya (ang pag aari) kung ang lola mo ay sumakabilang buhay na.

 

 

2.      TANONG: Tama po ba na bayaran ng sampung libong piso (P10,000.00) ang right of way na ganon ka laki.

 

Kung ito po ay napag usapan magkabilang Partido (partido ng lola/tito mo at partido ng kamag anak ninyo) at ang pag uusap o ang pag-gawa ng agreement ay walang bahid ng pagkakamali, karahasan, intimidasyon, impluwensya o panloloko (Article 1390 Civil Code), masasabing ang napagusapan ng dalawang panig ay wasto.

 

Ayon sa Artikulo 1305 ng Kodigo Sibil (Civil Code):

 

“ Ang kontrata ay ang pagkakasundo ng kaisipan ng dalawang tao kung saan ang isang partido ay may obligasyon sa kabilang partido na may ibigay o may gawing serbisyo.

(A contract is a meeting of minds between two persons whereby one binds himself, with respect to the other, to give something or to render some service [Article 1305 Civil Code])”

              

               Sa ganang ito, kung may pagkakasundo na sa ibibigay na right of way at sa kabayaran nito ang dalawang panig, at walang pagkakamali, karahasan, intimidasyon, impluwensiya o panloloko para sa pagkakasundo ito, masasabing ang napagusapan ay isang legal na kontrata sa pagitan ng dalawang panig.


XXXX

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:


laymanslawph@gmail.com


o pumunta upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino sa ating FB Page na Layman's Law PH:


www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934


Disclaimer lang, walang Lawyer-Client relationship ang nabubuo dito at ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. I-Like at I-Follow ang ating FB Page upang mas maraming kaalaman pa sa batas ang ating matutunan. Salamat. 🙂


No comments:

Post a Comment