Tuesday, October 4, 2022

Partner na hiniwalayan ang Preggy na ka live-in, ano ang pweding gawin pag hindi nagbigay ng sustento?

 



Sagutin po natin ang inyong katanungan ng isang FB User patungkol sa kanyang pinagdaraanan sa nang iwan niyang partner :


"Pwedi mag tanong may karapatan ba Ako humingi Ng sustento kakahiwalay lang Namin Ng partner ko preggy Ako Ngayon 4months na ano Ang Gagawin pag Hindi nag bigay Ng sustento"

 

Sakaling hindi magbigay ng sustento ang inyong dating partner, maaring po kayong mag habla ng kasong “ECONOMIC ABUSE” na napapaloob sa Republic Act No. 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and their Children Act”.

 

Ayon sa Paragraph D-1, Section 3 ng RA 9262:

“ang Economic Abuse ay maaring sa pamamagitan ng pag tigil ng Pinansyal na supporta o ang pagpigil sa biktima upang mag trabaho, maliban kung ang dahilan ng patututol sa pagtratrabaho ng kabilang panig o ng asawa ay tama, seryoso at may moral na pinaghuhugutan na sinasaad sa Artikulo 73 ng Family Code.

(Economic abuse refers to acts that make or attempt to make a woman financially dependent which includes, but is not limited to the following:

1. withdrawal of financial support or preventing the victim from engaging in any legitimate profession, occupation, business or activity, except in cases wherein the other spouse/partner objects on valid, serious and moral grounds as defined in Article 73 of the Family Code; [Paragraph D-1, Section 3, RA 9262])”

 


Nasasaad din sa Paragraph i, Section 5 ng RA 9262 na:

            “ Ang mga gawa na karahasan laban sa kababaihan at kabataan ay maaring magawa sa pamamagitan ng pagiging sanhi ng mental o emosyonal na paghihirap, pagkapahiya sa publiko ng babae o kanyang anak sa pamamagitan ng berbal or emosyonal na pang aabuso at hindi pagbibigay sustento o kostudiya ng menor de edad na anak ng babae.

(Acts of Violence Against Women and Their Children.- The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts:

(i) Causing mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation to the woman or her child, including, but not limited to, repeated verbal and emotional abuse, and denial of financial support or custody of minor children of access to the woman’s child/children. [Paragraph i, Section 5, RA 9262] )”

 


Maaring ito ang i-apply mong probisyon upang ikaw ay maprotektahan sa hindi pag bibigay sustento ng iyong partner na nang iwan sa iyo, lalo na at buntis ka.

 

Ang paglabas sa nasabing batas ay isang maituturing na kriminal na kaso na may parusa ng "prisyon mayor" o  ang pagkakakulong ng anim na taon at isang araw hanggang labing dalawang taon (6 years and 1 day to 12 years). Ngunit kung ito ay ginawa sa isang buntis na babae, ang ipapataw na parusa ay ay pinakamataas na parusa.

((f) Acts falling under Section 5(h) and Section 5(i) shall be punished by prision mayor.

If the acts are committed while the woman or child is pregnant or committed in the presence of her child, the penalty to be applied shall be the maximum period of penalty prescribed in the section. [Paragraph f, Section 6 of RA 9262] ).

 

Kasama ng pagkakakulong ay ang parusa ng pagbabayad ng multa na nagkakahalaga ng di bababa ng isang daang libong piso (P100,000.00) at hindi lalagpas ng tatlong daang libong piso (P300,000.00) at ang gumawa ng krimen ay kailangang sumailalim ng Psychological counseling o psychiatric treatment at mag rereport ng pag sunod sa mga ito sa korte [Last paragraph, Section 6 of RA 9262].

 

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o pumunta upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino sa ating FB Page:

 

https://www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Disclaimer lang, ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. I-like and follow nyo lang ang ating FB Page upang matututo sa batas sa madaling maintindihang paraan. Salamat. 🙂

 


No comments:

Post a Comment