Tuesday, October 4, 2022

Nagpakasal ang mga magulang, paano magpalit ng Apelyido? Ano ang Legitimation?

 


Sagutin po natin ang ikatanungan ng isang FB User:

 

“Hingi po ako NG payo.

  Yung livebirth ko PO is nka apelyedo sa mother ko.

  Tpos nung 2013 plng cla ni papa nag pkasal.

 Pero Ang ginagamit Kung apelyedo is sa fahter ko.kaso di pa napapalitan Ang SA live birth ko.

Ok lng po ba Yun? Yung gamit Kuna Isa sa papa ko? At pwedi Kya Yung mapalitan apelyedo ko sa live birth?”

 

 

Ang ating batas ay may tinatawag na prosesong LEGITIMATION na napapailalim sa Artikulo 177 at 178 ng Family Code at naamyendahan ng Republic Act No. 9858 na sinasaad na:

 

“ ang mga anak na ipinagbuntis at ipinanganak ng hindi pa kasal ang mga magulang, na kung saan ang mga magulang ay hindi diskwalipikadong magpakasal o diskwalipikado dahil sila ay kinasal o isa sa kanila na kinasal ng wala pa sa labing walong taong gulang (18 years old), ay maaring ma-legitimated

(Children conceived and born outside of wedlock of parents who, at the time of conception of the former, were not disqualified by any impediment to marry each other, or were so disqualified only because either or both of them were below eighteen (18) years of age, may be legitimated. [ Section 177 Family Code as amended by RA 9858] )”

 

“Ang Legitimation ay mangyayari sa pamamagitan ng wastong pagpapakasal ng mga magulang. Ang annulment ng tinatawag na voidable marriage ay hindi makaka apekto sa legitimation.

(Legitimation shall take place by a subsequent valid marriage between parents. The annulment of a voidable marriage shall not affect the legitimation. [ Section 178 Family Code as amended by RA 9858] )”

 

ANO ANG BA ANG LEGITIMATION?

Ang legitimation ay isang proseso kung saan ang isang hindi lehitimo o “Illegitimate” na anak dahil sa isinilang siyang hindi kasal ang kanyang mga magulang ay nagiging lehitimo dahil ang mga ito ay ikinasal pagkatapos isilang ang kanilang anak.

 

Ngunit para magkaroon ng legitimation, ayon sa Artikulo 177 ng Family Code na inamyendahan ng RA No. 9858, kailangan hindi diskwalipikado ang pagkakasal ng magulang.

Halimbawa, ang kasal ay hindi bigamous o yung kasal na at nagpakasal ulet o kaya ay ang kasal ay incestual o pagpapakasal ng magkapatid.

Ngunit sinasabi na kung ang kasal ay hindi valid dahil pareho o isa sa kanila ay nagpakasal ng hindi pa labing walong taong gulang, ay pwede itong maging i-legitimate.

 

PAANO BA MAGPAPA LEGITIMATE?

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang requirements ng Registration of Illegitimate Children para sa LEGITIMATION ay ang sumusunod:

a) Certificate of Marriage;

 

b) Certificate of Live Birth of the child (Birth Certificate);

 

c) Acknowledgement o pagkilala ng magulang kung pinanganak bago mag August 3, 1988 (not required for illegitimate children born on or after 3 August 1988);

 

d) Affidavit of legitimation na ginawa ng parehong magulang na nagsasaad ng mga sumusunod:

 

(1)  Pangalan ng magulang (the names of the parents);

 

(2) Kailang pinanganak ang anak ay dapat magpapakasal sila at ng manganak ay nagpakasal ang mga magulang (that at the time when child was conceived, the aforesaid parents could have contracted marriage,  and that they subsequently contracted marriage);

 

(3)Petsa at lugar na pinagdausan ng kasal  (the date and place when such marriage was   solemnized);

 

(4)  Pangalan ng nagkasal (the name of the officer who officiated the marriage);

 

(5) Lugar kung saan nai-record ang pagpapakasal (the city or municipality where such marriage was recorded);

 

(6) Pangalan ng anak na i-lelegitimate at mga impormasyon ng pagpapanganak dito (the name of the child to be legitimated, and the other facts of birth);

 

(7) ang petsa at lugar kung saan ang pagsilang ng anak ay nairecord (the date and place where the birth of the child was registered); at

 

(8) paraan kung paano tinanggap ang anak ng kanyang mga magulang na maaring nasa record ng pagpapanganak, sa isang will, sa salaysay sa korte o kahit anong authentic na kasulatan kung ipinanganak bago mag Agosto 3, 1988 (the manner by which the child was acknowledged by the parents which may be in the child’s record of birth, in  a will, a statement before a court of record, or in any authentic writing (not required for illegitimate children born on or after 3 August 1988).

(https://psa.gov.ph/civilregistration/legitimation)

 

 

Ayon din sa PSA, ang anak para ma konsidera na legitimated ng pagpapakasal ng magulang, kailangang ang mga sumusunod:

1.     Ang mga magulang ay legal na nagpakasal pagkatapos na ipanganak ang anak;

2.     Ang anak ay kinilala ng mga magulang bago o pagkatapos ikasal ng mga magulang;

3.     Ang pagkilala ay tinanggap ng anak ng may pagpayag kung siya ay nasa edad na o may apruba ng korte kung ang bata ay menor de edad pa lamang, maliban na lamang kung ito ay na sertipikahan ng Court of record, o sa anumang authentic na kasulatan.

 

Samakatuwid, ang pagpapalegitimate ay kailangang gawin at I-file sa PSA. Maaring pumunta po kayo doon at sundin ang mga nakasaad dito upang magamit po ninyo ang apelyido ng inyong Ama at Maitama ang inyong Name Registration at status sa Civil Registry.  

 


Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o pumunta upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino sa ating FB Page:

 

https://www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Disclaimer lang, ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. I-like and follow nyo lang ang ating FB Page upang matututo sa batas sa madaling maintindihang paraan. Salamat. 🙂


No comments:

Post a Comment