Sagutin
po natin ang katanungang ng isa nating FB User:
"Goodmorning po _________.... Ask po sana ako ng advice regarding po sa lending na inutangan ng mother ko po, ______ Lending shop yung name. Namatay na po yung mother ko tapos ngayun si papa ang sinisingail ng lending. Mag tatake daw sila ng legal action po sa papa ko which is in the first place hindi po namin alam or ng papa namin na may utang ang mother namin sa lending na yun ,around 100k daw kasi ang bayaran namin at wala nga silang insurance ng namatay mother namin.. Tama po ba yun na ang father namin ang magbabayad?"
Una
po, kung may utang na di nabayaran ang inyong namayapang Ina, ang ibabayad lamang
po ay ang kanyang mga naiwan na mga ari-arian at hindi po obligasyon ng mga
tagapagmana na bayaran ito.
Ayon
po sa mga kaso na napag desisyunan ng Korte Suprema, sinabi nito na:
“Ang sitwasyon ay iba kung ang namatay
ay may naiwan na obligasyon (pagkakautang). Sa ganitong sitwasyon, ang obligasyon
ay kailangang bayaran muna bago mahati ang pag-aari ng namatay (sa mga tagapagmana)….
Ang Estate (o naiwang pag-aari) ng namatay ay isusumite para sa administrasyon
para sa kabayaran ng pagkakautang.
(The
situation however is different where the deceased left pending obligation. In
such cases, the obligation must be first paid before the estate can be divided…
the estate would inevitably be submitted to administration for the payment of
such debts. [Guico, et al. v. Bautista et al. G.R. No. L-14921, 1960])”
“Ang mga anak ay hindi mananagot,
kahit na merong substitution. Ang remedyo na magagawa ng naghabla, ang nagpautang,
ay habulin ang pag-aari ng namatay na ama.
(The
Children cannot be held personally liable, despite the
substitution. The remedy of the plaintiff, the creditor, is to proceed against
the estate of the deceased father [Viardo v. Belmonte, et al. G.R. No. L-14122,
1962])”
“…. habang ang pagkakautang ng
namatay ay hindi nababayaran, walang sobra sa di nabayaran ay maaring hatiin
para bayaran ng mga tagapagmana… ang Korte ang magbibigay utos para sa pagbebenta
ng pag-aari (ng namatay) para mabayaran ang kanyang pagkakautang at ang mga
tagapagmana ay hindi ito maaring kwestyunin.
(….
while the debts of the deceased still remain unpaid, no residue may be
divided among the heirs… the court may order the sale of sufficient
property (of the estate) for the satisfaction of the debts and the heirs cannot question this.
[Pampalona v. Moreto, et al. G.R. No. L-33187, 1980])”
Ayon
sa ating Kodigo Sibil:
“… Ang mga tagapagmana ay hindi
mananagot ng lagpas sa halaga ng pag-aari na natanggap niya sa namatay na
nagpamana.
(…
The heir is not liable beyond the value of the property he
received from the decedent. [Article 1311 Civil Code])”
Samakatuwid,
base dito sa ating mga naibigay na probisyon, kung ang inyong ina ay may
pagkakautang na naiwan bago namatay, ang maaring lamang habulin ng mga nagpautang
sa kanya ay ang mga ari-arian ng namatay at mga ari-ariang pag aari ng namatay
na naipasa sa mga tapagmana. Bukod dito, ay hindi na sakop ang mga personal at
sariling pag-aari na naipundar ng mga tagapagmana.
Pangalawa,
ang nagpautang ang siya dapat mag file sa Korte (Probate Court) ng kanilang “(Debt) Claims
against the Estate” ng iyong ina. Kailangan nilang maipakita at mapatunayan na nagkaroon
nga ng utang ang iyong ina bago ito namatay, na i-cla-claim naman po nila laban
sa mga naiwang ari-arian ng namayapa ninyong ina.
Kung
sakaling nga na totoo na may utang ang iyong ina sa Lending Shop, ang ari-arian
lamang niyang naiwan ang pwedeng ibayad, at hindi maaring obligahin kayong mga tapapagmana
o anak na bayaran ang mga natitira pang bayarin na naiwan ng inyong ina.
Sana
ay nakatulong po ang aking naibigay na paliwanag.
Kung
may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin
para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:
laymanslawph@gmail.com
o
I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:
www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934
Maari
din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:
laymanslawph.blogspot.com
Disclaimer
lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang
edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary
at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo
sa paguusap na ito. Maraming salamat po. 😊
No comments:
Post a Comment