Sagutin po natin ang isa na namang katanungan ng isang FB User:
"Sana po my mka advise sa problem q dto.tanong lng po.tongkol sa Lupa nmin.patay napo nanay ko tapos my lupa kmi na binigay sa goberno.clowa kung tatawgin samin.nka pngalan sa nanay ko ung lupa.wala pa cyang titulo.ngaun po bglang nag patawag ang goberno nmin na member sa clowa.dhil ibibigay na ang tirulo at susukatin ulit.dahil patay na nanay ko.isa sa amin mgkakapatid ang tumayo.hnd po cya nag paalam sa amin na ilipat sa knya ang pamgalan.tanong ko lng po my habol po ba kmi doon.sana my mkkapansin sa post q.admin thankyou!"
Ang mga lupa na sakop ng Comprehensive
Agrarian Reform Program ay inaaward sa mga kwalipikadong benipisyaryong
magsasaka sa pamamagitan ng pag i-issue ng CLOA o ang tinatawag na Certificate
of Land Ownership Award. Since base sa salaysay mo na sinasabi mo na may CLOA,
ito ay masasabing sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Law natin.
Ayon po sa Section 27 ng Republic Act
No. 6657 (RA 6657) o ang Comprehensive Agrarian Reform Law, as amended by
Republic Act No. 9700 (RA 9700), sinasaad dito na:
“Transferability
of Awarded Lands. — Lands acquired by beneficiaries under this Act or other
agrarian reform laws shall not be sold, transferred or conveyed except through
hereditary succession, or to the government, or to the LBP, or to other
qualified beneficiaries through the DAR for a period of ten (10) years…..
[Section 27 RA 6657 as amended by RA 9700])”
Sinasabi nitong probisyon na ito na ang
beneficiaries po sa ilalim nitong Comprehensive Agrarian Reform Law as amended,
ang mga lupang naibigay sa mga benepisyaryo sa ilalim ng batas na ito o sa
ibang repormang pagsasakang batas, ay hindi maaring ibenta, ilipat sa ibang tao
o maipasa ang titulo sa iba maliban lamang kung ito ay sa pamamagitan ng pamana
ng namatay, or sa gobyerno, o sa Land Bank of the Philippines o sa kahit sinong
kwalipikadong benepisyaryo na dadaan sa Department of Agrarian Reform sa loob
ng sampung taon.
Ibig sabihin po, ang paglipat po ng
Awarded na Lupa ay pwede po ilipat po sa mga tagapagmana ng nagawaran ng award.
Dito naman po papasok ang Batas natin sa
Kodigo Sibil.
Ayon sa Artikulo 774 ng Kodigo
Sibil (Civil Code) sinasabi na:
“Ang paghalili ay isang paraan kung saan ang pag-aari, karapatan at obligasyon
hanggang sa makakaya ng halaga ng pamana, ng isang tao ay naiilipat dahil sa
kanyang pagkamatay sa ibang tao sa pamamagitan ng kanyang will (last will and
testament) o sa pamamagitan ng batas.
(Succession is a mode of acquisition by
virtue of which the property, rights and obligations to the extent of the value
of the inheritance, of a person are transmitted through his death to another or
others either by his will or by operation of law. [Article 774 Civil Code])"
Ayon naman sa Artikulo 777
ng Kodigo Sibil (Civil Code):
“Ang
karapatan sa paghalili ay maipapasa sa oras ng pagkamatay ng taong nagpapamana
ng ari-arian.
(The rights to the succession are
transmitted from the moment of the death of the decedent. [Article 777 Civil
Code])”
Samaktuwid,
nung pagkamatay ng inyong ina, ang mga ari-arian, karapatan at obligasyon nito
ay naipasa na sa mga lehitimong tagapagmana, which is kayong mga anak. Ibig
sabihin, lahat ng mga anak ng nanay mo ay nagmamayari o tinatawag na co-owner
ng mga naiwan niyang ari-arian.
Dahil
kayong mga anak ay ang co-owner ng mga ari-ariang naiwan ng iyong ina, kasama
na dito ang lupang nakuha sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform
Program, ayon sa Artikulo 484 at 485 ng Kodigo Sibil (Civil Code):
“Mayroong co-ownership kung ang pag-aari ng di hating bagay o karapatan ay pag-aari ng ibat-ibang tao.
(There is co-ownership whenever the ownership of an undivided thing or right belongs to different persons. [Article 484 Civil Code])”
“ Ang bahagi na pag-aari ng mga co-owner ay pinapalagay na pantay maliban kung mapatunayang hindi pala.
(…. The portions belonging to the co-owners in the co-ownership shall be presumed equal, unless the contrary is proved. [Article 485 Civil Code])”
Kung
i-aapply natin ang probisyong ito sa lupa na minana ninyo sa inyong ina, kung
walang pagkakahati-hati dito, ay masasabing kayong mga tagapagmana ng inyong
ina ay co-owners at may pantay pantay na bahagi sa lupang inyong mamanahin sa
pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ibig sabihin,
hindi pwedeng solohin ng isa ninyong kapatid ang naiwang lupa sa ilalim ng CARP
lalo na kung ito ay nakapangalan sa inyong ina.
Ang
maipapayo ko ay maghain kayo ng reklamo sa Department of Agrarian Reform patungkol
dito at sabihin ang mga detalye na kayo ay mga lehitimong
tagapagmana ng inyong ina at kwestyunin ang pagbibigay iisang titulo sa inyong
kapatid.
Kung
may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin
para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:
laymanslawph@gmail.com
o
I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:
www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934
Maari
din magbasa ng ating mga artikulo patungkol sa batas upang matutuo sa:
laymanslawph.blogspot.com
Disclaimer
lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang
edukasyunal na layunin upang matuto po ang bawat isa patungkol sa batas, sa
ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po
na nabubuo sa paguusap na ito. Maraming salamat po. 😊
No comments:
Post a Comment