Sunday, September 25, 2022

BADGES OF GOOD FAITH, ANO BA ITO? At ang koneksyon nito sa sagutang Senador Risa at Senador Tolentino

 



Nung mga nakaraang araw ay naging viral ang sagutan nila Senador Francis Tolentino at Senador Risa Hontiveros patungkol sa isyu ng mga opisyales ng Kagawaran ng Agrikultura partikular ang mga opisyales ng Sugar Regulatory Administration. Sa mainit na paguusap ng dalawang Senador ay lumitaw ang katagang “Badges of Good Faith” na siya nating ngayong pag uusapan upang maging malinaw sa mga Ordinaryong Pilipino kung ano ba itong termino na ito.

 

GOOD FAITH

Bago tayo tumuloy sa katagang “Badges of Good Faith”, atin muna nating alamin kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang “Good Faith”.

Ayon sa diksyunaryong Merriam-Webster[1], ang “Good Faith” ay ang pagiging totoo, pagiging pantay at sumusunod sa batas, ang pag gawa ng walang panlilinlang o ang hindi pagiging mapang abuso o mapangsamantala. (honesty, fairness, and lawfulness of purpose : absence of any intent to defraud, act maliciously, or take unfair advantage)

Ito rin ay tinatawag na “ Bona Fides[2] ” kung saan sinasabi na ito ay integridad ng pakikitungo at sinseridad. (integrity of dealing; honesty ; sincerity).

 

Sa isang desisyon ng Korte Suprema[3], sinasabi nito na ang “Good Faith” ay ang kaisipan ng isang tao na nagpapakita ng pagiging totoo sa kanyang intensyon at kalayaan ng kanyang kaalaman sa mga pangyayari na maaaring mag dulot ng pagkuwestiyon sa may kaalaman nito. Ito ay intensyong totoo na nagiiwas na makagawa ng kahit anong kapabayaan para sa kalamangan ng iba, kahit na may teknikalidad ang batas, kung pagsasamahin ang kawalan ng impormasyon, pag bibigay abiso o benepisyo o paniniwalang ng mga katunayan na nagsasabing ang transakyon ay may kapabayaan. Ito rin ay isang wastong depensa ng isang Pampublikong Opisyal na mismong ang Kataastaasang Hukuman ay kinokonsidera sa ilang kasong kanilang pinasyahan.
(Good faith has always been a valid defense of public officials that has been considered by this Court in several cases. Good faith is a state of mind. denoting honesty of intention, and freedom from knowledge of circumstances which ought to put the holder upon inquiry; an honest intention to abstain from taking any unconscientious advantage of another, even though technicalities of law, together with absence of all information, notice, or benefit or belief of facts which render transaction unconscientious.)

 


BADGES OF GOOD FAITH

Ngayon alam na natin ang ibig sabihin kung ano ang “Good Faith”, atin namang alamin kung ano ba itong sinasabi ni Senador Risa Hontiveros na “Badges of Good Faith”.

 

Kung napanood ninyo ang viral video, may ilang desisyon ng Korte Suprema na nabanggit kung saan sinasabi ang terminong “Badges of Good Faith”.

 

Isa sa mga kasong nanbangit ay ang Madera v. Commission on Audit[4] kung saan ang Kataas-taasang Hukuman ay ginamit ang mga iminungkahing pangyayari o “circumstances” na ibinigay ni Justice Marvic M.V.F. Leonen (Justice Leonen) na nagsasabi o nag dedetermina na ang isang otorisadong opisyal publiko ay nagpakita ng gawa ng pagiingat tulad ng ama ng isang tahanan o ang tinatawag na “Diligence of a Good Father of a Family”.
(… the Court adopts Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen's (Justice Leonen) proposed circumstances or badges for the determination of whether an authorizing officer exercised the diligence of a good father of a family)

 

Ang mga sumusunod ay ang binigay na halimbawa:

1.     Pagkakaroon ng “Certificate of Availability of Funds” na sumusunod sa Section 40 ng Administrative Code
(Certificates of Availability of Funds pursuant to Section 40 of the Administrative Code);

 

2.     Ang mga legal na opinyon ng mga mismong nasa kagawaran o ng Kagawaran ng Hustisya
(In-house or Department of Justice legal opinion);

 

3.     Na wala pang mga nakaraang desisyon ang Korte Suprema na hindi pinahihintulutan ang paraan ng pagbibigay o pag gastos sa salapi ng bayan
(That there is no precedent disallowing a similar case in jurisprudence);

 

4.     Na ang pag gastos o pagbibigay ng salapi ay matagal nang ginagawa at walang pagbabawal na ibinigay o binibigay
(That it is traditionally practiced within the agency and no prior disallowance has been issued); o

 

5.     Kung may katanungang legal, ang pagbibigay o pag gastos ng salapi ay may interpretasyon ng kanyang legalidad
(With regard the question of law, that there is a reasonable textual interpretation on its legality).


Sinasabi din sa parehong kasong Madera v. COA[5] na ang mga “badges of good faith” na ito at “Diligence” ay bagay na puwedeng magamit ng parehong Opisyales na nag aapruba at nag sesertipiko, at dapat ikonsidera muna sa kanilang pag gampan ng kanilang opisyal na tungkulin bago patawan ng partisipasyon sa hindi pinahintulutang transaksyon at managot para dito. Ang pag-gawa o pagkakaroon ng kahit ano sa mga nabangit (na badges of Good Faith) sa kahit na anong kaso ay maaring magsabi na ginawa nila ang bagay na iyon “in good faith” na naaayon sa pag gawa ng kanilang opisyal na tungkulin bilang opisyal, na ang tungkulin na ibinigay sa opisyales na nasasangkot ay dapat pag aralang mabuti depende sa mga sirkumstansya ng mga pangyayari.
(to the extent that these badges of good faith and diligence are applicable to both approving and certifying officers, these should be considered before holding these officers, whose participation in the disallowed transaction was in the performance of their official duties, liable. The presence of any of these factors in a case may tend to uphold the presumption of good faith in the performance of official functions accorded to the officers involved, which must always be examined relative to the circumstances attending therein.)

 

IKONEKTA NATIN SA PANGYAYARI NG SAGUTANG SENADOR HONTIVEROS AT SENADOR FRANCIS TOLENTINO

 

Kung ikokonekta natin ang mga nasabi natin sa pagdidiskusyon nila Senador Risa at Senador Tolentino, kinuwestiyon ni Senador Risa ang “Blue Ribbon Report” na isinumite ng komite ni Senador Tolentino, na nagrerekomenda na patawan ng kasong administratibo at kriminal ang mga Opisyales na sangkot sa sinasabing anumalya sa Sugar Regulatory Administration. 

Dito sinabi ni Senador Risa sa kanyang argumento na ang “good faith” ay maaring maging depensa ng mga Opisyales na ito laban sa mga akusasyon na diumano ay kanila naman di ginawa. Sa pagkakataong ito, nabanggit ni Senador Risa ang doktrinang “Badges of Good Faith” na siyang pinabuluanan ni Senador Tolentino na hindi nya pa daw narining ang doktrinang ito kahit na nag aral siya ng batas. Dito na sinabi ni Senador Risa na ang “Badges of Good Faith” ay nasabi na ng Korte Suprema sa mga desisyon nito partikular ang Madera v. COA[6] na kung saan idinugtong nito na bago pa lamang ang mga desisyon na ito at malamang ay lumagpas ito sa kaalaman ng abogadong senador na si Tolentino, na siya namang parang minasama ng abogadong senador.

Ngunit sinabi ni Senador Risa na wala naman siyang masamang hangarin na sabihin na walang alam ang abogadong senador, bagkus nais niyang sabihin na ang “Good Faith” ay depensang maaring gamitin at hindi niya intensyong hiyain ang sino man kung wala itong kamalayan ng mga bagong mga impormasyon, at nais lamang niyang gamitin ito bilang legal na basehan ng kanyang argumento.

 

PANGWAKAS NA MGA SALITA

Sa pagkakataon na ito,  makikita natin ang kahalagahan na may alam tayo sa batas at maiparating ito sa bawat Ordinaryong Pilipino, upang maintindihan kung paano ang ating mga batas ay gumagana, na nakaka apekto ng buhay, pagaari at kalayaan ng bawat isa.

Patuloy lang po ninyong subaybayan ang ating pahina upang matututo pa tayo ng batas, sa paraang maiintindihan ng bawat Ordinaryong Pilipino.

 



[1]https://www.merriamwebster.com/dictionary/good%20faith#:~:text=%3A%20honesty%2C%20fairness%2C%20and%20lawfulness,faith%20purchaser%20%E2%80%94%20compare%20bad%20faith

[2] https://thelawdictionary.org/bona-fides/

[3] Montejo vs. COA, G.R. No. 232272, July 24, 2018

[4] G.R. No. 244128, 08 September 2020

[5] Supra

[6] Supra

📷 https://politics.com.ph/wp-content/uploads/2022/09/francis-risa-.jpg


No comments:

Post a Comment