Wednesday, September 28, 2022

Ayaw ipaayos ng may-ari ang CR ng nirerentahang bahay, 3 Weeks nang hindi magamit ang CR at sinisingil pa ng Upa. Ano kaya ang isinasaad ng Batas?

 


Sagutin po natin ang katanungan ng isang FB User patungkol sa problema sa kanyang nirerentahan:


"Hello. Sana may makabasa po.

Nag start po kami mag rent sa bahay November 11 at nagbayad po kami ng 3k that day. Next payment po is December 11 and  nagbabayad po kami every 11 of the month. Nitong August po barado yung cr at inereklamo namin sa may ari ang sabi maghanap daw kami ng malilipatan kasi gagawa sila ng bagong septic tank. Ngayon po almost 3 weeks kami hindi nakagamit ng cr kasi barado at nitong September 11 pumunta ang may ari naniningil ng upa. Eh hindi pa po kasi kami nakakahanap ng malilipatan. Ang sabi niya dapat 3kparin daw bayaran namin. Tama po ba yun? Since August hindi kami nagamit ng cr up until now tapos 3k parin sinisingil niya?"

 

May obligasyon at karapatan ang nagpaparenta at nagrerenta na nasa ilalim ng ating Kodigo Sibil (Civil Code). Sa iyong kaso, ang mga sumusunod ay ang mga batas na pwede mong pagbasehan ng iyong Karapatan.

 

Ayon sa Paragraph 2, Article 1654 ng Kodigo Sibil (Civil Code), ang nagpaparenta ay obligadong:

 

“(2) Ang gumawa, habang ito ay nirerentahan, ng lahat ng kinakailangang pagpapaayos upang maging kaaya-ayang gamiting kung saan man ito nakalaang gamitin maliban na lang kung may usapan na salungat dito;
( (2) To make on the same during the lease all the necessary repairs in order to keep it suitable for the use to which it has been devoted, unless there is a stipulation to the contrary; [Paragraph 2, Article 1654, Civil Code])”

 

Ang nagrerenta naman ay may obligasyon na ayon sa Paragraph 1, Article 1657 ng Kodigo Sibil (Civil Code), na sinasabi:

 

“ (1) Ang bayaran ang halaga ng renta na naaayon sa terms na napagusapan;
( (1) To pay the price of the lease according to the terms stipulated; [Paragraph 1, Article 1657, Civil Code] )”

 

Ngunit kahit na sinasabi ng Paragraph 1, Article 1657, na ang nagrerenta ay magbayad sa nagpaparenta, isinasaad din ng batas sa Article 1658 ng Kodigo Sibil (Civil Code) na:

 

“Ang umuupa ay maaring i-suspindi ang pagbabayad ng renta sa kadahilanang ang nagpapaupa ay hindi nagawa ang mga kinakailangang repairs o ma-maintain ang rumerenta sa payapang at maayos na enjoyment ng inuupahang pag-aari.
(The lessee may suspend the payment of the rent in case the lessor fails to make the necessary repairs or to maintain the lessee in peaceful and adequate enjoyment of the property leased. [Article 1658, Civil Code])”

 

Kung I-aaply po natin ang mga probisyon ng batas na ito, maari pong isuspindi ang pagbabayad ng iyong renta kung hindi nagagawa ng may-ari ng paupahan na ayusin ang mga kailangan ayusin sa nirerentahan, upang makapamuhay ng payapa at ma enjoy ng rumerenta ang lugar na inuupahan.

 

Ngunit tandan natin na ang pag- sasabi na kailangan ng repair ay dapat sa lalong madaling panahon na nasasad sa Article 1663 ng Kodigo Sibil (Civil Code), na sinasabi:

 

“…. Obligado (ang umuupa) na sabihin sa may-ari, sa pinaka madaling panahon, ang pangangailangan ng repair na napapailalim sa Paragraph 2 ng Article 1654.
( … He is also obliged (lessee) to advise the owner, with the same urgency, of the need of all repairs included in No. 2 of article 1654…  [Article 1663, Civil Code] )”


Kung ang nagpapaupa ay hindi nagawang gawin ng agarang pag-papaayos, nasasaad din sa Article 1663 ng Kodigo Sibil (Civil Code) na:

 

“… ang umuupa, para maiwasan ang papalapit na kapahamakan, ay maaring iutos ang pagpapagawa, na babayaran ng nagpapaupa….
( … If the lessor fails to make urgent repairs, the lessee, in order to avoid an imminent danger, may order the repairs at the lessor’s cost… [Article 1663, Civil Code] )”

 

Sana ay nakatulong itong simpleng paliwanag sa inyo.

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa

laymanslawph@gmail.com

o I-like at i follow ang ating FB Page sa link na:

 

https://www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Disclaimer lang, ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. Like and Follow nyo lang ang ating FB Page para marami tayong matutunan. Salamat. 🙂


No comments:

Post a Comment