Friday, September 30, 2022

20% na Interest Per Annum o 1.68% interest per Month sa Utang, makatarungan ba?

 



Sagutin po natin ang katanungan ng isang FB User patungkol sa interest na pwedeng singilin sa utang:

 

“Ligal po bha ang interest 20%per annum/year?? or 1.68% per month.”

 

Ayon  sa ating Artikulo 1956 ng Kodigo Sibil (Civil Code):

            “Walang interest ang nakatakdang bayaran maliban na lang kung ito ay pinagtibay sa isang kasulatan (No interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing. [Article 1956, Civil Code] )”


Sa ganang ito, ayon sa desisyon ng Korte Suprema, may dalawang kondisyon para ang interest ay maging isang bayarin:


                      1. Dapat ay may maliwanag na kasunduan ang pagbabayad ng interest; at


                      2. ang kasunduan ng pagbabayad ng interest ay nasusulat.


                    (Jurisprudence on the matter also holds that for interest to be due and payable, two conditions must concur: a) express stipulation for the payment of interest; and b) the agreement to pay interest is reduced in writing. [Dela Paz vs. L & J Development Company G.R. 183360  September 8, 2014])

 


Ayon din sa parehong kaso sinasabi na:


                     “Ang koleksyon ng interest ng walang kasunduang nakasulat ay pinagbabawa ng batas (The collection of interest without any stipulation in writing is prohibited by law [Dela Paz vs. L & J Development Company, supra])”


 

“Mulit-muli sa mga desisyong ginawa (ng Korte Suprema), kung saan ang interest rate na 3% per month o mataas pa ay sobra, hindi patas at mali, hindi risonable at napakataas. Ang ganitong mga kasunduan ay walang bisa dahil ito ay salungat sa moralidad, o kung hindi, salungat sa batas.
(Time and again, it has been ruled in a plethora of cases that stipulated interest rates of 3% per month and higher, are excessive, iniquitous, unconscionable and exorbitant. Such stipulations are void for being contrary to morals, if not against the law. [Dela Paz vs. L & J Development Company, supra])”



Kung may kasunduang po kayo na ginawa na nakasulat na nagsasaad na ang babayaran na utang ng humiram sa inyo ay 20% per annum o 1.68% per month, maaring makonsidera pa ito na tama at hindi pa ito masasabing sobra, na ito ay patas at tama, risonable at hindi napakataas, kung pagbabasehan ang desisyon ng Mataas na Hukuman.

 

Kung wala kasunduang nakasulat ng pagbabayad ng interest, ang paniningil nito ay pinagbabawal ng batas.

Ngunit kung walang sinulat na kasunduan patungkol  sa interest na napagsangayunan ng bawat Partido, meron naman tayong tinatawag na “Legal Interest” sa ilalim ng Central Bank Circular No. 799 s. 2013 na nagkabisa noong July 1, 2013, na sinasabi na kung walang kasunduan na nakasulat na patungkol sa interest, ang pwedeng ipataw na interest ay 6% per annum.

 

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

laymanslawph@gmail.com


o I-like at i follow ang ating FB Page sa link na:

 https://www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934


Disclaimer lang, ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. I-like and follow nyo lang ang ating FB Page upang matututo sa batas sa madaling maintindihang paraan. Salamat. 🙂


No comments:

Post a Comment