Pagusapan
natin ngayon ang mga grounds para sa Annulment of Marriage.
ANO BA ANG ANNULMENT?
“Ang
annulment ay isang legal na pamamaraan upang mapawalang bisa ang kasal ng
mag-asawa. Ang kaibahan nito sa tinatawag na “Void Marriage” ay sa “Void
Marriage” itinuturing na walang naganap na kasal mula sa umpisa o ang kasal
mula sa umpisa ay void o walang bisa. Sa annulment naman (o voidable marriage),
itinuturing na may kasal na naganap, ngunit ito ay napawalang bisa.
Para
sa kaalaman kung ano ang mga grounds ng Void Marriages, maaring pupunta sa link
na ito:
https://laymanslawph.blogspot.com/2022/09/mga-grounds-na-binigay-ng-ating-family.html
ANO ANG MGA GROUNDS NA PWEDENG GAMITIN PARA SA ANNULMENT?
Ayon
sa ating Family Code of the Philipines, ang mga grounds na pwedeng gamitin para
sa annulment o voidable marriage ay ang mga sumusunod:
Sa ilalim ng Artikulo 45 ng Family Code isinasaad na:
Ang kasal ay maaring ma-annulled sa mga sumusunod na dahilan na umiiral ng ang
mag asawa ay kasal pa:
1. Ang
partido na humihingi ng annulment ay labing walong taong gulang pataas ngunit
mababa sa dalawamput isa ang edad nung oras na kinasal, at siya ay kinasal na
walang consent o pagpayag ng mga magulang o guardian;
2. Ang bawat partido nung kinasal ay hindi maayos
ang pag iisip maliban na lamang kung nasa ayos na ang kanilang isip ay malayang
nagsama bilang mag-asawa;
3. Ang
consent o pagpayag ng lalaki at babae sa kasal ay nakuha sa pandaraya, maliban
na lamang kung pagkatapos ng kasal ay nalaman ng isa sa mga partido ang patungkol
sa pandaraya ay malayang nagsama bilang mag-asawa;
4. Ang
consent o pagpayag ng lalaki at babae sa kasal ay nakuha sa dahas, intimidasyon
o hindi magandang impluwensya maliban kung ang mga bagay na nabanggit ay
natigil o nawala at ang bawat partido ay malayang nagsama bilang mag-asawa;
5.
Na
ang isa sa mag asawa ay hindi makunsumo ang kasal sa pisikal na paraan sa
kanyang kabiyak at ang problemang ito ay nagpapatuloy at nakikitaan na hindi
malulunasan;
6. Na isa sa mag asawa ay nahawaan ng Sexually Transmitted Disease (STD) na masasabing seryoso at nakikitaan na di na malulunasan.
(A marriage may be annulled for any of the following causes, existing at the time of the marriage:
(1) That the party in whose behalf it is sought to have the marriage annulled was eighteen years of age or over but below twenty-one, and the marriage was solemnized without the consent of the parents, guardian or person having substitute parental authority over the party, in that order, unless after attaining the age of twenty-one, such party freely cohabited with the other and both lived together as husband and wife;
(2) That either party was of unsound mind, unless such party after coming to reason, freely cohabited with the other as husband and wife;
(3) That the consent of either party was obtained by fraud, unless such party afterwards, with full knowledge of the facts constituting the fraud, freely cohabited with the other as husband and wife;
(4) That the consent of either party was obtained by force, intimidation or undue influence, unless the same having disappeared or ceased, such party thereafter freely cohabited with the other as husband and wife;
(5) That either party was physically incapable of consummating the marriage with the other, and such incapacity continues and appears to be incurable; or
(6) That either party was afflicted with a sexually-transmissible disease found to be serious and appears to be incurable.
[Article 45 Family Code of the Philippines])
Sa ilalim ng Artikulo 46, sinasabi din na ang pandaraya na pinag-uusapan sa Paragraph No. 3 Artikulo 45 ng Family Code ay nagaganap sa pamamagitan ng mga sumusunod na sirkumstansya:
1.
Ang
hindi pagsasabi na siya ay may nakaraang pinal na hatol ng korte sa kabilang partido, ng krimen na sinasabing isang “moral
turpitude” o kasamaang moral;
2. Pagtatago
ng asawang babae ng katotohanan na nung oras ng kasal, siya ay buntis sa ibang
lalaki;
3. Pagtatago
ng pagkakaroon ng STD, na kahit anong klase, na umiiral noong oras ng kasal; o
4. Pagtatago
ng pagkaadik sa droga, palagiang pag-inom o pagiging homosekswal o pagiging
tibo, na umiiral noong oras ng kasal.
Walang ibang pagbibigay ng maling impormasyon o panlilinlang na patungkol sa pagkatao, kalusugan, ranko, kayamanan o kalinisang-puri ang maaring maging dahilan ng pandaraya, na magbibigay daan para sa isang aksyon para mapawalang bisa ang isang kasal.
(Any of the following circumstances shall constitute fraud referred to in Number 3 of the preceding Article:
(1) Non-disclosure of a previous conviction by final judgment of the other party of a crime involving moral turpitude;
(2) Concealment by the wife of the fact that at the time of the marriage, she was pregnant by a man other than her husband;
(3) Concealment of sexually transmissible disease, regardless of its nature, existing at the time of the marriage; or
(4) Concealment of drug addiction, habitual alcoholism or homosexuality or lesbianism existing at the time of the marriage.
No
other misrepresentation or deceit as to character, health, rank, fortune or
chastity shall constitute such fraud as will give grounds for action for the
annulment of marriage.
[Article
46 Family Code of the Philippines])
SINO ANG PWEDENG MAG FILE NG ANNULMENT?
Ayon sa Artikulo 47 ng Family Code of the Philippines, ang mga tao na pwedeng mag file ng Annulment case ay ang sumusunod:
Para
sa grounds na binigay sa ilalim ng:
a. Paragraph
1 Artikulo 45 (Walang consent ang Magulang at guardian)
– Mga magulang o Guardian ang pwedeng mag file;
b.
Paragraph
2 Artikulo 45 (walang katinuan ang pagiisip)
– Ang asawang nasa katinuan ng isip ang pwedeng mag file;
c. Paragraph
3 Artikulo 45 (Consent ay nakuha sa pandaraya)
d. Paragraph
4 Artikulo 45 (dahas, intimidasyon o hindi magandang impluwensya)
– Ang nasaktang partido ang pwedeng mag file at kailangang i-file sa loob ng 5
taon sa oras na mawala o matigil ang dahas, intimidasyon o hindi magandang impluwensya;
e.
Paragraph
5 & 6 Artikulo 45 (Par. 5: hindi makunsumo ang kasal at
Par. 6: naapektuhan ng STD na seryoso at hindi gumagaling)
– Ang nasaktang partido ang pwedeng mag file at kailangang i-file sa loob ng 5
taon pagkatapos maikasal.
(The action for annulment of marriage must be filed by the following persons and within the periods indicated herein:
(1) For causes mentioned in number 1 of Article 45 by the party whose parent or guardian did not give his or her consent, within five years after attaining the age of twenty-one, or by the parent or guardian or person having legal charge of the minor, at any time before such party has reached the age of twenty-one;
(2) For causes mentioned in number 2 of Article 45, by the same spouse, who had no knowledge of the other’s insanity; or by any relative or guardian or person having legal charge of the insane, at any time before the death of either party, or by the insane spouse during a lucid interval or after regaining sanity;
(3) For causes mentioned in number 3 of Article 45, by the injured party, within five years after the discovery of the fraud;
(4) For causes mentioned in number 4 of Article 45, by the injured party, within five years from the time the force, intimidation or undue influence disappeared or ceased;
(5)
For causes mentioned in number 5 and 6 of Article 45, by the injured party,
within five years after the marriage.
[Article
47 Family Code of the Philippines])
Sana ay may matutunan kayo sa lathalang ito upang maintindihan ang mga grounds para sa Annulment of Marriage.
xxx
Kung
may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin
para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:
laymanslawph@gmail.com
o
I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:
www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934
Maari
din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:
laymanslawph.blogspot.com
Disclaimer
lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang
edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa
ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po
na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally
sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap.Maraming
salamat po. 😊
No comments:
Post a Comment