Sunday, October 16, 2022

Kinitang pera mula sa negosyo ng amo, nagamit ng walang paalam para sa emergency, may kaso ba? Ano nga ba ang Elemento ng Theft at Qualified Theft?

 


Sagutin po natin ang katanungan ng isang FB User:

 

Base sa inyong salaysay, hindi lang po pagnanakaw ang maari nilang maikaso po sa inyo bagkus ay maaring Qualified Theft po ito.

 

Ayon sa ating Revise Penal Code, ang Theft ay krimen kung saan ang isang tao ay:

1.     May intension na magkaroon ng pagkalamang o gain;

2.    Sa pamamaraan na di gumagamit ng dahas o intimidasyon o lakas upang kunin ang isang bagay; at

3.     Ang pagkuha ng bagay ng iba ay kinuha ng walang kaalaman ang may-ari ng bagay

 

(Who are liable for theft. — Theft is committed by any person who, with intent to gain but without violence against or intimidation of persons nor force upon things, shall take personal property of another without the latter's consent [Article 308 Revise Penal Code])

 

Ayon naman sa Artikulo 309 ng Revise Penal Code, nagkakaroon ng tinatawag na Qualified Theft kung ang pagnanakaw ay ginawa na may pag abuso sa pagtitiwa ng may-ari ng bagay na ninakaw. Ang kaparusahan dito ay mas mataas kumpara sa kaso ng Theft.

(Qualified theft. — The crime of theft shall be punished by the penalties next higher by two degrees than those respectively specified in the next preceding article, if committed by a…. or with grave abuse of confidence….. [Article 309 Revised Penal Code])

 

Kung i-aaply po natin ang mga probisyon na ito sa inyong salaysay, maaring Qualified Theft pa ang ikaso sa inyo na mas mataas pa sa Theft sa kadahilanang may pagtitiwala po sa inyo na hawakan ang pera ng kanilang Negosyo ngunit ito ay ginamit ninyo sa ibang paraan (kahit na emergency) at wala silang pagpayag sap ag-gamit mo nito sa ibang paraan.

 

Since sinasabi ninyo na may kasunduan na kayo, mabuti pong sundin ninyo ang agreement at makiusap na medyo habaan ang oras na tinakda upang makabayad. Maipapayo din na kung kayang makahiram muna sa iba ay gawin ito para mabayaran ang nasabing salapi na inyong nagamit upang di na lumala ang inyong problema dahil mukhang may kaya ang inyong amo at may kakayahan na mag-file ng kaso sa inyo.

 

Kaya dapat mag isip ng mabuti sa pag gamit ng pera ng iba at mabuting ipag-paalam natin ito kaysa magkaroon ng sakit ng ulo dahil mag fi-file ng kaso ang may-ari at kasuhan tayo. 

 

xxx

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:

 

www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:

 

laymanslawph.blogspot.com

 

Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap.Maraming salamat po. 😊


No comments:

Post a Comment