Friday, October 21, 2022

Kapitbahay na nagsabi sa kumare na magnanakaw ang kanyang kapit bahay. may kaso ba? Ano ba ang Slander o Oral Defamation?

 


Sagutin po natin ang katanungan ng isang FB User:

 "Magandang gabi po tanong lng po Kung ano po ba dapat gawin sa Taong pinag mumura ka at sinabihang mag nanakaw?, salamat n advance po tapos po pagbaba ko Ng tryckle na aktuhan ko po na binagit Ang pangalan ko.. Ng kapitbahay Namin na sinabi magnanakaw Po kmi...Hindi namn Po galing MISMO sa kanila.pero xia Ang nag pasa sa kumare nya na magnanakaw daw Po kami"

 

Kung ang tao po ay nag sasabi ng mga bagay na walang katotohanan na nakakasira ng inyong puri, maaring mag kwalipika po ito sa kasong Slander sa ilalim ng Revise Penal Code ng ating bansa.

 

Ano ba ang Slander?

Ito ay napapailalim sa Artikulo 358 ng Revised Penal ang kaparusahan. Sinasabi sa isang desisyon ng Korte Suprema na:

 

"Ang Slander o tinatawag ding oral defamation ay isang kasong libel (o paninirang puri) na maaring gawin sa pamamagitan ng pagsasabi ng nakakasirang salita na maaring makapahamak sa reputasyon, opisina, negosyo, kalakal or kahit anong hanapbuhay ng isang tao.

(Libel committed by oral or speaking of base and defamatory words which tend to prejudice another in his reputation, office, trade, business or means of livelihood. [Villanueva vs. People, G.R. No. 150351, (2006)])"

 

Sinasabi rin na ang slander ay hindi kailangang marinig ng mismong siniraan na tao at nagkakaroon nito o yung tinatawag na oral defamation kahit na ibang tao ang nakarining ng mga nakakasirang puring salita, dahil ang reputasyon ng isang tao ay ang basehan kung paano siya nakikita ng ibang tao.

 

Ngunit ipinapayo pa rin natin na kung kayang ayusin sa barangay, ay sa barangay na muna natin ito ayusin dahil masyadong hassle din po ang pagkakaso maliban na lang kung may time at kahit papaano ay may resources kayo para i-file at antayin ang resulta ng kaso.

 

 xxx

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:

 

www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:

 

laymanslawph.blogspot.com

 

Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap. Maraming salamat po. 😊

No comments:

Post a Comment