Sagutin po natin
ang katanungan ng isang FB User patungkol sa interest na pwedeng singilin sa
utang:
“Ligal po bha ang interest 20%per annum/year?? or 1.68% per month.”
Ayon sa ating Artikulo 1956 ng Kodigo Sibil (Civil Code):
“Walang interest ang nakatakdang bayaran
maliban na lang kung ito ay pinagtibay sa isang kasulatan (No interest shall be
due unless it has been expressly stipulated in writing. [Article 1956, Civil
Code] )”
Sa ganang ito, ayon sa desisyon ng Korte Suprema, may dalawang kondisyon para ang interest ay maging isang bayarin:
1. Dapat ay may maliwanag
na kasunduan ang pagbabayad ng interest; at
2. ang kasunduan ng pagbabayad ng interest ay nasusulat.
(Jurisprudence on the matter also holds
that for interest to be due and payable, two conditions must concur: a) express
stipulation for the payment of interest; and b) the agreement to pay interest
is reduced in writing. [Dela Paz vs. L & J Development Company G.R. 183360 September 8, 2014])
Ayon
din sa parehong kaso sinasabi na:
“Ang koleksyon ng interest ng walang kasunduang nakasulat ay pinagbabawa ng batas (The collection of interest without any stipulation in writing is prohibited by law [Dela Paz vs. L & J Development Company, supra])”
“Mulit-muli sa mga desisyong ginawa (ng Korte Suprema), kung saan ang interest rate na
3% per month o mataas pa ay sobra, hindi patas at mali, hindi risonable at
napakataas. Ang ganitong mga kasunduan ay walang bisa dahil ito ay salungat sa
moralidad, o kung hindi, salungat sa batas.
(Time and again, it has been ruled in a plethora of cases that stipulated
interest rates of 3% per month and higher, are excessive, iniquitous, unconscionable
and exorbitant. Such stipulations are void for being contrary to morals, if not
against the law. [Dela Paz vs. L & J Development Company, supra])”
Kung may kasunduang
po kayo na ginawa na nakasulat na nagsasaad na ang babayaran na utang ng humiram
sa inyo ay 20% per annum o 1.68% per month, maaring makonsidera pa ito na tama
at hindi pa ito masasabing sobra, na ito ay patas at tama, risonable at hindi napakataas, kung pagbabasehan ang desisyon ng Mataas na Hukuman.
Kung wala
kasunduang nakasulat ng pagbabayad ng interest, ang paniningil nito ay pinagbabawal
ng batas.
Ngunit kung
walang sinulat na kasunduan patungkol sa
interest na napagsangayunan ng bawat Partido, meron naman tayong tinatawag na “Legal
Interest” sa ilalim ng Central Bank Circular No. 799 s. 2013 na nagkabisa noong
July 1, 2013, na sinasabi na kung walang kasunduan na nakasulat na patungkol sa
interest, ang pwedeng ipataw na interest ay 6% per annum.
Kung may
katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para
sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:
laymanslawph@gmail.com
o I-like at i follow ang ating FB Page sa link na:
Disclaimer lang,
ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa
ating batas, sa madaling maunawaang paraan. I-like and follow nyo lang ang
ating FB Page upang matututo sa batas sa madaling maintindihang paraan.
Salamat. 🙂