Sagutin
natin ang katanungan ng isa sa sumusubaybay ng ating FB Page:
OO meron
kang legal na hakbang na magagawa sakaling ang humiram sa iyo ay hindi nagbayad
ng utang.
Ayon sa
ating Kodigo Sibil (Civil Code), ang mga obligadong mag hatid or gumawa ng
isang bagay ay magkakaroon lamang ng “delay” sa kanilang obligasyon sa oras na
ang taong tatanggap ng ihahatid na bagay o gawa mula sa isang taong obligadong gumawa
nito, ay hiningi (demand) ang pagdadala o paggawa nito (sa paraang maaring dumaan
sa isang korte o sa paraang di na kailangan ng padaanin sa korte) upang maisakatuparang
ang hinihinging obligasyon. (Those obliged to deliver or to do something incur
in delay from the time the obligee judicially or extrajudicially demands from
them the fulfillment of their obligation. [Art. 1169, Civil Code])
Ngunit ang paghingi (demand) ay hindi na kailangan upang magkaroon ng tinatawag na “delay” sa mga sumusunod na pagkakataon:
[Art. 1169, Civil Code)
BAKIT BA KAILANGAN ANG TINATAWAG NA PAGHINGI O “DEMAND”?
Ang “demand” ay kinakailangan upang ang isang taong may obligasyon
ay mabigyan niya ng pansin na ang hinihingi na obligasyon sa kanya ay kailangan na niyang gawin.
Kung ang isang taong may obligasyon, kung may “demand” na, at hindi niya nagawa
ang kanyang obligasyon, dito na pumapasok ang tinatawag na “delay”. Kung may “delay”
na ang taong may obligasyon, dito na nagkakaroon ng tinatawag na “damages” para
sa taong dapat ay gumagawa ng obligasyon. Ang “damages” ay ang kabayaran na
binibigay ng batas na puwedeng mabawi ng isang tao mula sa tao nakagawa sa
kanya ng pinsala.
APLIKASYON NG MGA BATAS NA ITO SA TANONG NG ATING TAGASUBAYBAY
Ang una dapat gawin upang mabawi ang hiniram na kaperahan ay
magkaroon ka muna ng “demand”, na pwedeng berbal o sulat o sa pamamagitan ng “electronic
application” para mapahatid ang iyong mensahe, na nagsasabing sinisingil mo na
ang pagkakautang ng tao sa iyo. Sa pamamagitan ng “demand” na ito, ang
obligasyon ng pagbabayad ay dapat nang gawin ng taong humiram sa iyo ng
kaperahan. Kung ang tao na nanghiram sa iyo ng pera ay hindi nagbayad sa lalong
madaling panahon, eto ang mga sumusunod na mungkahi natin na maaring mong
gawin:
1.
Kausapin ang tao at sabihin na kailangan mo nang
singilin ang kanyang pagkakautang sa iyo;
2.
Kung hindi pa rin nagbayad ang taong nang hiram
sa iyo ng pera, maaring dumulog kayo sa inyong Barangay upang makapagusap ang
bawat Partido at maisaayos sa tulong ng mga opisyales ng nasabing tanggapan;
3.
Kung hindi pa rin ito nagbayad sa iyo kahit na
idinaan na ito sa Barangay, maari mo namang idaan ito sa tinatawag na “Small Claims”
sa mga Unang Lebel na Korte (MTC, MeTC, MTCC) kung saan hindi na kailangan ng
isang abogado upang humarap sa hukuman. Tatalakayin natin itong “Small Claims”
sa mga susunod na mga artikulo;
4.
Pang huli, kung kaya mo naman na bitiwan ang
halaga na napahiram, maaring ibigay mo na lang ito at wag mo nang pahiramin ang
taong iyon para na rin sa iyong katahimikan at hindi ka na mapagod na isipin
kung paano mo pa mababawi, lalo na ang halaga lamang na iyong gustong mabawi ay
hindi naman ganun kalakihan (base sa estado ng nagpadala). Hayaan mong
magkaroon ka na lang ng “peace of mind” at hayaan na ang lumikha ang magpala sa
iyo at humatol sa taong hindi nag bayad sa iyo.
Sana ay may natutunan ka sa ating paksa at nawa ay maging
matalino ka sa pagpapahiram ng salapi dahil hindi naman natin pinupulot ito at
ito ay ating pinaghihirapan. Pairalin lagi ang isip at mag isip ng mabuti sa
mga desisyon na ating ginagawa.
Maraming salamat.
No comments:
Post a Comment