Nang mga nakaraang mga araw, naging viral ang utos ng korte na sinasabing hindi maaring mag piyansa (bail) ang artistang si Vhong Navarro sa kanyang kasong pang-gagahasa (Rape) na inihain ni Deniece Cornejo.
ANO BA ANG PAGPIPIYANSA (BAIL)?
Ang pagpipiyansa (bail) ay isang "SECURITY" para pansamantalang mapalaya ang isang nasasakdal na nasa pangangalaga ng batas, na maaring magmula sa mismong nasasakdal na nasa pangangalaga ng batas o mula sa tao o kumpanya na tinatawag na "BONDSMAN", upang masigurado ang pagdalo ng nasasakdal sa kahit anong korte kung kinakailangan.
(Bail is the security given for the release of a person in custody of the law, furnished by him or a bondsman, to guarantee his appearance before any court as required under the conditions hereinafter specified [Sec. 1, Rule 114, Rules of Court])
Ang mga uri ng pagpipiyansa ay ang mga sumusunod:
1. Corporate Surety
2. Property Bond
3. Cash Deposit
4. Recognizance
(sa susunod na artikulo natin ito pagusapan, OK?)
PERO BAKIT HINDI PINAYAGAN NA MAKAPAG PIYANSA O TINATAWAG NA BAIL SI VHONG?
Ayon sa Seksyon 13, Artukulo 3, ng ating Saligang Batas o ang 1987 Constitution:
"Ang lahat ng tao, maliban sa mga kinasuhan ng krimen na may parusa na "Reclusion Perpetua" kung malakas ang ebidensya laban sa akusado, ay bago ang hatol, ay maaring makapag piyansa (bail) ng tamang halaga...... Ang karapatang mag piyansa (bail) ay hindi dapat mahadlangan kahit na ang tinatawag na "Writ of Habeas Corpus" ay suspendido. Ang sobrang piyansa ay hindi kailangan."
( Sec. 13 Article 3, 1987 Consitution "All persons, except those charged with offenses punishable by reclusion perpetua when evidence of guilt is strong, shall, before conviction, be bailable by sufficient sureties... The right to bail shall not be impaired even when the privilege of the writ of habeas corpus is suspended. Excessive bail shall not be required.")
(Note: Next time, i-discuss natin ang Writ of Habeas Corpus)
Kung babasahin ang probisyon ng nasabing batas, mapapansin natin na may dalawang klaseng pagpipiyansa na ating tatalakayin sa artikulong ito.
2 URI NG PAG-PIPIYANSA (2 KINDS OF BAIL)
May dalawang uri ng pagpipiyansa base sa nilalaman ng kaninang nabangit na batas sa ating 1987 Constitution:
xxx
1. ANG PAGPIPIYANSA BILANG KARAPATAN NG ISANG TAO O "BAIL AS A MATTER OF RIGHT"
Ang pagpipiyansa ay isang karapatan ng nasasakdal kung:
a. Bago o pagkatapos mahatulan ngunit may nakabinbin na apela, nang unang lebel na korte(Before or after conviction, but pending appeal, by the first-level courts);
1. Pagkatapos ng pinal na hatol ng korte. Kung ang nahatulan ay nag-apply ng tinatawag na "Probation" (ang parusa na sa utos ng korte, ang isang tao ay di mapaparusahan ng kulong ngunit mayroong limitadong kalayaan at nasa ilalim ng superbisyon ng otoridad) bago ang pinal na hatol, ang nahatulan ay maaring magkaroon ng pansamantalang kalayaan sa pamamagitan ng kanyang piyansa;
2. Pagkatapos mabuno ng isang nahatulan ang kanyang sintensya;
3. Ang mga nasa militar na akusado sa ilalim ng General Court Martial.
xxx
2. ANG PAGPIPIYANSA DAHIL SA DISKRESYON NG KORTE O "BAIL AS A MATTER OF DISCRETION"
Ang pagpipiyansa ay nasa diskresyon ng Korte kung ang nasabing krimen ay napaparusahan ng "CAPITAL OFFENSE".
Kung bago ang pinal na hatol ng korte at ang mga ebidensya ng krimen ay hindi ganun kalakas ayon sa korte, ang pagpipiyansa ay maaring maigawad pero ito ay nasa diskresyon pa rin ng korte kung saan nakabinbin ang kaso.
Ngunit kung ang korte ay may pinal nang hatol sa kasong napaparusahan ng batas ng "CAPITAL OFFENSE", ang pagpipiyansa ay hindi na maaring mapagbigyan, liban na lamang kung ang pinal na desisyon ng nasabing korte ay baligtarin ng tinatawag na "Appellate Court" or korte kung saan nag apela ang nahatulan patungkol sa pinal na desisyon ng kanyang kaso.
MAARI BANG ANG ISANG TAO NA NAHATULAN NG MABABA SA KRIMEN NA MAY PARUSANG "CAPITAL OFFENSE" AY HINDI PAYAGAN NA MAKAPAG PIYANSA?
Kung ang parusa sa krimen na hinatol na pinal ng korte ay lagpas ng anim na taon (6 years), ang akusado ay hindi papayagang makapag piyansa kung siya ay mapapatunayan na:
1. Recidivist o paulit ulit na gumagawa ng krimen;
2. Quasi-recidivist o ang isang taong nahatulan ng pinal ay nakagawa ng isa na namang bagong krimen bago or habang siya ay pinaparusahan sa krimen kung saan siya nahatulan ng pinal;
3. Habitual Delinquency o ang pag uulit ulit ng pag gawa ng krimen;
4. Ang akusado ay tumakas sa pagkakakulong upang matakasan ang kanyang sintensya o nakapag piyansa ngunit tumakas upang maiwasan ang kanyang sintensya;
5. Ang pag gawa ng krimen habang ang nahatulan ay nasa probation, parole, or kondisyunal na kapatawaran (Conditional Pardon)
6. Kung ang isang akusado ay isa may kakayahan na tumakas sa pamamagitan ng paglipad paalis ng bansa (probability of flight / flight risk); at
7. Kung ang nahatulan ay may kakayahang makagawa ng krimen habang ang kaso ay nakabinbin para sa pag apela.
(Section 5, Rule 114, Rules of Court)
APLIKASYON NG MGA NASABI SA KASO NI VHONG NAVARRO
Ang Kadahilanan na si Vhong Navarro ay hindi pinayagang makapag piyansa ay dahil na rin siguro sa ang kanyang kaso ay napapaloob sa may parusang nasa ilalim ng "CAPITAL OFFENSE" lalo na at ito ay isang kaso ng pang-gagahasa (Rape). Maaring ayon sa pag aaral ng korteng may hawak ng kanyang kaso, ang mga ebidensya laban sa kanya ay malakas at dahil sa diskresyon ng korte, ang pagpipiyansa ng nasabing aktor ay hindi pinayagan.
Ang mga nakasaad dito ay pagbabahagi lamang upang mas maintindihan ng karaniwang Pilipino ang batas patungkol sa pag-pipiyansa o bail at maunawaan kung paano ito nakakaapekto sa isang nasasakdal.
📷 http://philnews.ph/wp-content/uploads/2022/09/Vhong-Navarro-A-711x1024.jpg
📷https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/09/02/20220902-vhong-navarro-deniece-cornejo.jpg
No comments:
Post a Comment