Thursday, October 6, 2022

Lola na may ari ng lupa kasama ng tiyuhin, nakipagkasundo na bigyan ng Right of Way ang kamag-anak. Ina ng sender, may karapatan ba patungkol dito?

 


Sagutin po natin ang ipinadalang katanungan ng isang FB User:


"maaari po ba akong magpa advice itoy tungkol sa lupa ng mama ko na mamanahin palang nilang dalawa ang tito sa parents nila...

ganito po kasi ang problema . noong 2015 bumili ang kamag anak namin ng rights of way kasi benenta nya iyong . lupa nya sa likorong bahagi ng lupa namin bali ang ibig ko sabihin kami kasi ang nasa front ng lupa nila.
ibenenta ng kamag anak namin ang lupa nila so bumili sya ng right of way sa lola ko... sabi ni nanay iyong dalawang anak lang niya ang mag decide so si mama ayaw nya pero dahil ayaw ni mama so si nanay at si tito ang nag decide... ayon napo bali ang nandon sa kasulatan ay. 4meters po ang laki ng right of way at binili nila ito ng halagang 10000 pesos ( at ang haba namn nito nasa 300meters po )

unang tanong ko po.
#Talagabang walang rights si mama kasi dalawa sila si nanay ang pumirma
#pangalawa tama po ba na bayaran ng 10k ang right of way na ganon ka laki ..
in addition to that gawing subdivision ang lupa na binili"

 

1.      TANONG: Talaga bang walang rights ang mama ninyo kasi dalawa sila ng tito at nanay niya ang pumirma para magkaroon ng right of way?

 

Una po, since buhay pa ang Lola mo (nanay ng ina mo) ang pag aari ng lupa ay nasa kanya pa rin.

 

Ayon sa Artikulo 777 ng Kodigo Sibil (Civil Code):

 

“ Ang karapatan ng paghalili (bilang may ari sa mga ari-arian ng iyong lola) ay maipapasa lamang sa oras ng pagkamatay ng may-ari nito.

(The rights to the succession are transmitted from the moment of the death of the decedent. [Article 777 Civil Code])”

Ibig sabihin po nito, ang pag-aari ng lupa ay mananatili sa lola mo at hindi maiilipat sa kanyang mga anak hanggat siya ay buhay. Maililipat lamang ang pag-aari sa mga anak ng lola mo sa oras ng kanyang pag panaw kung ang pag uusapan dito ay ang pagmamana ng lupa.

 

Bilang may ari ng lupa, ang Lola mo ay may karapatan kung kagustuhan niyang magbibigay siya ng “Right of Way” o yung tinatawag na “Easement”. Ayon sa Artikulo 619 ng Kodigo Sibil (Civil Code)

 

“ Ang right of way ay pwedeng sa pamamagitan ng batas o kagustuhan ng may-ari. Ang nauna ay tinawag na “Legal Easement” at ang huli ay tinatawag na “Voluntary Easement”.

(Easements are established either by law or by the will of the owners. The former are called legal and the latter voluntary easements. [Article 619 Civil Code])”

 

Kung i-aapply natin ang probisyong ito sa kwento mo, ang nangyari, since ang may-ari pa rin ng lupa ay ang lola mo, ay nagkaroon ng tinatawag na “Voluntary Easement” sa pagpayag niya na bigyan ng right of way ang inyong kamag anak.

              

Samakatuwid, dahil sa hindi pa pag-aaring lubos ng nanay mo ang lupa ng lola mo dahil sa buhay pa ito, ay mas may karapatan si Lola mo na mag decide kung ano ang gagawin sa lupa niya, at ang pagbibigay niya ng right of way para sa kamag anak ninyo ay puwede ibigay ng lola ninyo dahil siya pa rin ang may-ari ng lupa  na maipapasa lamang sa mga anak niya (ang pag aari) kung ang lola mo ay sumakabilang buhay na.

 

 

2.      TANONG: Tama po ba na bayaran ng sampung libong piso (P10,000.00) ang right of way na ganon ka laki.

 

Kung ito po ay napag usapan magkabilang Partido (partido ng lola/tito mo at partido ng kamag anak ninyo) at ang pag uusap o ang pag-gawa ng agreement ay walang bahid ng pagkakamali, karahasan, intimidasyon, impluwensya o panloloko (Article 1390 Civil Code), masasabing ang napagusapan ng dalawang panig ay wasto.

 

Ayon sa Artikulo 1305 ng Kodigo Sibil (Civil Code):

 

“ Ang kontrata ay ang pagkakasundo ng kaisipan ng dalawang tao kung saan ang isang partido ay may obligasyon sa kabilang partido na may ibigay o may gawing serbisyo.

(A contract is a meeting of minds between two persons whereby one binds himself, with respect to the other, to give something or to render some service [Article 1305 Civil Code])”

              

               Sa ganang ito, kung may pagkakasundo na sa ibibigay na right of way at sa kabayaran nito ang dalawang panig, at walang pagkakamali, karahasan, intimidasyon, impluwensiya o panloloko para sa pagkakasundo ito, masasabing ang napagusapan ay isang legal na kontrata sa pagitan ng dalawang panig.


XXXX

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:


laymanslawph@gmail.com


o pumunta upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino sa ating FB Page na Layman's Law PH:


www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934


Disclaimer lang, walang Lawyer-Client relationship ang nabubuo dito at ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. I-Like at I-Follow ang ating FB Page upang mas maraming kaalaman pa sa batas ang ating matutunan. Salamat. 🙂


Tuesday, October 4, 2022

Partner na hiniwalayan ang Preggy na ka live-in, ano ang pweding gawin pag hindi nagbigay ng sustento?

 



Sagutin po natin ang inyong katanungan ng isang FB User patungkol sa kanyang pinagdaraanan sa nang iwan niyang partner :


"Pwedi mag tanong may karapatan ba Ako humingi Ng sustento kakahiwalay lang Namin Ng partner ko preggy Ako Ngayon 4months na ano Ang Gagawin pag Hindi nag bigay Ng sustento"

 

Sakaling hindi magbigay ng sustento ang inyong dating partner, maaring po kayong mag habla ng kasong “ECONOMIC ABUSE” na napapaloob sa Republic Act No. 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and their Children Act”.

 

Ayon sa Paragraph D-1, Section 3 ng RA 9262:

“ang Economic Abuse ay maaring sa pamamagitan ng pag tigil ng Pinansyal na supporta o ang pagpigil sa biktima upang mag trabaho, maliban kung ang dahilan ng patututol sa pagtratrabaho ng kabilang panig o ng asawa ay tama, seryoso at may moral na pinaghuhugutan na sinasaad sa Artikulo 73 ng Family Code.

(Economic abuse refers to acts that make or attempt to make a woman financially dependent which includes, but is not limited to the following:

1. withdrawal of financial support or preventing the victim from engaging in any legitimate profession, occupation, business or activity, except in cases wherein the other spouse/partner objects on valid, serious and moral grounds as defined in Article 73 of the Family Code; [Paragraph D-1, Section 3, RA 9262])”

 


Nasasaad din sa Paragraph i, Section 5 ng RA 9262 na:

            “ Ang mga gawa na karahasan laban sa kababaihan at kabataan ay maaring magawa sa pamamagitan ng pagiging sanhi ng mental o emosyonal na paghihirap, pagkapahiya sa publiko ng babae o kanyang anak sa pamamagitan ng berbal or emosyonal na pang aabuso at hindi pagbibigay sustento o kostudiya ng menor de edad na anak ng babae.

(Acts of Violence Against Women and Their Children.- The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts:

(i) Causing mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation to the woman or her child, including, but not limited to, repeated verbal and emotional abuse, and denial of financial support or custody of minor children of access to the woman’s child/children. [Paragraph i, Section 5, RA 9262] )”

 


Maaring ito ang i-apply mong probisyon upang ikaw ay maprotektahan sa hindi pag bibigay sustento ng iyong partner na nang iwan sa iyo, lalo na at buntis ka.

 

Ang paglabas sa nasabing batas ay isang maituturing na kriminal na kaso na may parusa ng "prisyon mayor" o  ang pagkakakulong ng anim na taon at isang araw hanggang labing dalawang taon (6 years and 1 day to 12 years). Ngunit kung ito ay ginawa sa isang buntis na babae, ang ipapataw na parusa ay ay pinakamataas na parusa.

((f) Acts falling under Section 5(h) and Section 5(i) shall be punished by prision mayor.

If the acts are committed while the woman or child is pregnant or committed in the presence of her child, the penalty to be applied shall be the maximum period of penalty prescribed in the section. [Paragraph f, Section 6 of RA 9262] ).

 

Kasama ng pagkakakulong ay ang parusa ng pagbabayad ng multa na nagkakahalaga ng di bababa ng isang daang libong piso (P100,000.00) at hindi lalagpas ng tatlong daang libong piso (P300,000.00) at ang gumawa ng krimen ay kailangang sumailalim ng Psychological counseling o psychiatric treatment at mag rereport ng pag sunod sa mga ito sa korte [Last paragraph, Section 6 of RA 9262].

 

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o pumunta upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino sa ating FB Page:

 

https://www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Disclaimer lang, ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. I-like and follow nyo lang ang ating FB Page upang matututo sa batas sa madaling maintindihang paraan. Salamat. 🙂

 


Nagpakasal ang mga magulang, paano magpalit ng Apelyido? Ano ang Legitimation?

 


Sagutin po natin ang ikatanungan ng isang FB User:

 

“Hingi po ako NG payo.

  Yung livebirth ko PO is nka apelyedo sa mother ko.

  Tpos nung 2013 plng cla ni papa nag pkasal.

 Pero Ang ginagamit Kung apelyedo is sa fahter ko.kaso di pa napapalitan Ang SA live birth ko.

Ok lng po ba Yun? Yung gamit Kuna Isa sa papa ko? At pwedi Kya Yung mapalitan apelyedo ko sa live birth?”

 

 

Ang ating batas ay may tinatawag na prosesong LEGITIMATION na napapailalim sa Artikulo 177 at 178 ng Family Code at naamyendahan ng Republic Act No. 9858 na sinasaad na:

 

“ ang mga anak na ipinagbuntis at ipinanganak ng hindi pa kasal ang mga magulang, na kung saan ang mga magulang ay hindi diskwalipikadong magpakasal o diskwalipikado dahil sila ay kinasal o isa sa kanila na kinasal ng wala pa sa labing walong taong gulang (18 years old), ay maaring ma-legitimated

(Children conceived and born outside of wedlock of parents who, at the time of conception of the former, were not disqualified by any impediment to marry each other, or were so disqualified only because either or both of them were below eighteen (18) years of age, may be legitimated. [ Section 177 Family Code as amended by RA 9858] )”

 

“Ang Legitimation ay mangyayari sa pamamagitan ng wastong pagpapakasal ng mga magulang. Ang annulment ng tinatawag na voidable marriage ay hindi makaka apekto sa legitimation.

(Legitimation shall take place by a subsequent valid marriage between parents. The annulment of a voidable marriage shall not affect the legitimation. [ Section 178 Family Code as amended by RA 9858] )”

 

ANO ANG BA ANG LEGITIMATION?

Ang legitimation ay isang proseso kung saan ang isang hindi lehitimo o “Illegitimate” na anak dahil sa isinilang siyang hindi kasal ang kanyang mga magulang ay nagiging lehitimo dahil ang mga ito ay ikinasal pagkatapos isilang ang kanilang anak.

 

Ngunit para magkaroon ng legitimation, ayon sa Artikulo 177 ng Family Code na inamyendahan ng RA No. 9858, kailangan hindi diskwalipikado ang pagkakasal ng magulang.

Halimbawa, ang kasal ay hindi bigamous o yung kasal na at nagpakasal ulet o kaya ay ang kasal ay incestual o pagpapakasal ng magkapatid.

Ngunit sinasabi na kung ang kasal ay hindi valid dahil pareho o isa sa kanila ay nagpakasal ng hindi pa labing walong taong gulang, ay pwede itong maging i-legitimate.

 

PAANO BA MAGPAPA LEGITIMATE?

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang requirements ng Registration of Illegitimate Children para sa LEGITIMATION ay ang sumusunod:

a) Certificate of Marriage;

 

b) Certificate of Live Birth of the child (Birth Certificate);

 

c) Acknowledgement o pagkilala ng magulang kung pinanganak bago mag August 3, 1988 (not required for illegitimate children born on or after 3 August 1988);

 

d) Affidavit of legitimation na ginawa ng parehong magulang na nagsasaad ng mga sumusunod:

 

(1)  Pangalan ng magulang (the names of the parents);

 

(2) Kailang pinanganak ang anak ay dapat magpapakasal sila at ng manganak ay nagpakasal ang mga magulang (that at the time when child was conceived, the aforesaid parents could have contracted marriage,  and that they subsequently contracted marriage);

 

(3)Petsa at lugar na pinagdausan ng kasal  (the date and place when such marriage was   solemnized);

 

(4)  Pangalan ng nagkasal (the name of the officer who officiated the marriage);

 

(5) Lugar kung saan nai-record ang pagpapakasal (the city or municipality where such marriage was recorded);

 

(6) Pangalan ng anak na i-lelegitimate at mga impormasyon ng pagpapanganak dito (the name of the child to be legitimated, and the other facts of birth);

 

(7) ang petsa at lugar kung saan ang pagsilang ng anak ay nairecord (the date and place where the birth of the child was registered); at

 

(8) paraan kung paano tinanggap ang anak ng kanyang mga magulang na maaring nasa record ng pagpapanganak, sa isang will, sa salaysay sa korte o kahit anong authentic na kasulatan kung ipinanganak bago mag Agosto 3, 1988 (the manner by which the child was acknowledged by the parents which may be in the child’s record of birth, in  a will, a statement before a court of record, or in any authentic writing (not required for illegitimate children born on or after 3 August 1988).

(https://psa.gov.ph/civilregistration/legitimation)

 

 

Ayon din sa PSA, ang anak para ma konsidera na legitimated ng pagpapakasal ng magulang, kailangang ang mga sumusunod:

1.     Ang mga magulang ay legal na nagpakasal pagkatapos na ipanganak ang anak;

2.     Ang anak ay kinilala ng mga magulang bago o pagkatapos ikasal ng mga magulang;

3.     Ang pagkilala ay tinanggap ng anak ng may pagpayag kung siya ay nasa edad na o may apruba ng korte kung ang bata ay menor de edad pa lamang, maliban na lamang kung ito ay na sertipikahan ng Court of record, o sa anumang authentic na kasulatan.

 

Samakatuwid, ang pagpapalegitimate ay kailangang gawin at I-file sa PSA. Maaring pumunta po kayo doon at sundin ang mga nakasaad dito upang magamit po ninyo ang apelyido ng inyong Ama at Maitama ang inyong Name Registration at status sa Civil Registry.  

 


Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o pumunta upang matuto ng mga bagay patungkol sa batas, na madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino sa ating FB Page:

 

https://www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Disclaimer lang, ang mga tanong na sasagutin ay para sa pagkatuto ng ating mga kapwa Pilipino sa ating batas, sa madaling maunawaang paraan. I-like and follow nyo lang ang ating FB Page upang matututo sa batas sa madaling maintindihang paraan. Salamat. 🙂