Nakakalungkot na pumanaw na ang isa sa pinaka mahabang dugong bughaw na namuno sa Britanya sa edad na 96. And buong mundo ay nagluksa sa kanyang pagpanaw at maraming bansa ang nakiramay sa kanyang paglisan. Tunay nga na ang isang tao ay makikilala mo ng lubos sa pagmamahal na matatangap niya kung siya ay lumisan na sa mundong ibabaw at sa pagkakataong ito, pinapakita na si Reyna Elizabeth II ay isang tao na naging mabuti at minahal ng lahat. Lubos na pakikiramay sa lahat ng naiwan.
NGUNIT naisip mo ba na kung sakaling si Reyna Elizabeth II ay isang Pilipino, ano ang mangyayari sa mga ari-arian neto?
Ayon sa ating Kodigo Sibil, ang karapatan sa mga naiwang pag aari ng isang tao namatay ay magsisimula sa oras ng kanyang kamatayan. Ibig sabihin, sa pagkamatay ng isang Pilipino, ang mga karapatan sa kanyang pag aari ay maililipat sa kanyang mga lehitimong tagapagmana. (Art 777, Civil Code)
Kung walang utang ang namatay, maaring ang mga tagapagmana ay hatiin ang mga ari-arian sa 2 paraan:
1. Puwede na ang kanilang gawin ay ang tinatawag na "EXTRAJUDICIAL SETTLEMENT BY AGREEMENT BETWEEN HEIRS" kung saan dapat ay:
a. Walang Last Will and Testament ang namatay;
b. Walang pagkakautang ang namatay; at
c. Ang mga tapagmana ay nasa hustong gulang o kung ito ay isang menor de edad, ito nirerepresenta ng Legal Representative or taong inatasan ng hukuman.
(Sec. 1 Rule 74, Special Proceeding, Rules of Court)
2. Maaari din na idaan ang sa Ordinaryong kasong sibil na tinatawag na "PARTITION" upang hatiin ang mga ari-arian. (Guico v. Bautista GR L-14921 December 31, 1960¹)
Kung ang ari-arian naman ay di lalagpas sa halagang Sampung Libong Piso (P10,ooo.oo), Maaari namang ito idaan sa tinatawag na "SUMMARY SETTLEMENT OF ESTATES OF SMALL VALUE" (Sec. 2 Rule 74, Special Proceeding, Rules of Court)
At kung sakaling may mga pagkakautang si Reyna Elizabeth II, ito ay dadaan sa tinatawag na "Probate Proceeding" para ma determina ang kanyang mga ari-arian, mabayaran ang kanyang pagkakautang kung ito ay mapapatunayan na nagkautang nga, at ibahagi ang natitirang ari-arian pagkatapos ng pagbabayad utang sa mga magmamana na alinsunod sa batas.
Ang mga nasasaad dito ay buod lamang ng maaring gawin upang maisaayos ang mga ari-arian ng isang namatay ng kanyang mga tagapagmana. Mas mainam pa rin na kumunsulta sa isang Abogado upang mas magabayan kayo ng tama.
Muli, ito lamang ay ginawa upang makapag bigay kaalaman sa lahat sa pagbibigay ng piksyunal na tao bilang halimbawa at ating pong nililinanaw na HINDI po Pilipino si Reyna Elizabeth II.
Nawa'y siya ay payapa na sa kanyang kinalalagyan kasama ang Panginoon at mahal niya sa buhay.
¹ p.12, Paras, Civil Code III, 2013 ed.
📷 https://cdn.wionews.com/sites/default/files/styles/story_page/public/2022/09/09/294245-5.jpg
No comments:
Post a Comment