Friday, August 23, 2024

Bakit kailangan ang bawat Pilipino ay maging maalam sa batas?


Ang ating Kongreso ay siyang binigyan kapangyarihan ng ating 1987 Constitution upang mag panukala ng mga batas na siya namang pipirmahan ng ating Pangulo upang maging lehitimong batas ito ng ating bansa.

 

Ngunit, ano nga ba ang importansya nito sa ating mga Pilipino?

 

Narito ang tatlong rason kung bakit dapat ang bawat Pilipino ay maging maalam sa batas.

 

1.  Ang bawat Pilipino ay dapat nakakaalam ng batas upang mas lalo nilang maitindihan at ma-praktis ang kanilang mga karapatan na ibinigay ng ating Saligang Batas.

 

Napapaloob sa ating Saligang Batas ang mga karapatan ng bawat Pilipino partikular sa Article III o ang ating “Bill of Rights” na tinatawag. Mahalagang maunawaan ng Pilipino ang mga karapatan na nakalathala dito upang maiwasan ang pang aabuso ng awtoridad o sinoman sa kanilang karapatan lalong lalo na ang tinatawag na DUE PROCESS at FREEDOM ng bawat isa katulad ng Freedom of Speech (Malayang Pagsasalita), Freedom to Travel (Karapatang Makapaglakbay), at iba pa.

 

Kung may alam ang bawat Pilipino sa kanilang karapatan ay mataas ang porsyento na walang naabuso at alam ng bawat isa ang mga tama at mali na dapat nilang gawin, na sa huli ay magiging susi para magkaroon ng patas na pangil ang batas sa bawat isa.

 

2.    Ignorance of the Law excuses no one.

 

Ito ang popular na linya na ating laging naririnig. Ang hindi mo pagkakaalam ng isang batas ay hindi dahilan upang ikaw ay di maparusahan neto.

 

Ang isang batas, pag ito ay na aprubahan ng ating Pangulo ay dumadaan ito sa prosesong "PUBLISHING" kung saan ang batas ay inilalathala sa Newspaper of General Circulation (Pahayagan at hindi tabloid ahhh) at Official Gazette.

 

Kung ito ay nailathala na, ang batas ay magkakabisa usually after 15 days pagkatapos itong mailathala. Sa pagkakalathala ng batas ay nagkakaroon tayo na tinatawag na CONSTRUCTIVE NOTICE, meaning, kahit hindi nabasa ng isang Pilipino ang pagkakalathala, dahil nga ito ay nalathala sa Newspaper of General Circulation, nagkakaroon ng presumpsyon na ito ay nabasa ng buong bayan at sinasabing nagkakaroon na tinatawag na PRESUMPTION OF KNOWLEDGE OF THE LAW ang bawat Pilipino.

 

Kaya, kung ang batas ay nailathala, at hindi tayo aware, hindi nating magagawang excuse na sabihin na hindi natin alam na may ganyang batas na umiiral dahil sabi nga natin, IGNORANCE OF THE LAW EXCUSES NO ONE.

 

 

3.  Ang pagiging maalam sa batas ay makakatulong upang mas maunawaan natin paano gumagana ang mga bagay-bagay sa ating komunidad, pulitika, at pati na rin sa ating personal na buhay lalo na sa ating mga ari-arian at mga personal na relasyon sa ating kamag-anak at kapwa tao.

 

Ang mga batas na umiiral sa ating bansa ay nakakaapekto hindi lamang sa personal na ari-arian ng isang tao kundi pati sa relasyon nya sa kanyang mga kamag-anak o sa ibang tao. Kung alam natin ang ating batas, mas mauunawaan natin at irerespeto ang mga karapatan ng ibang tao. Gayundin, mas mauunawaan natin ang mga ginagawa ng ating mga leader o politico at base sa kanilang ginagawa, magkakaroon tayo ng kaalaman kung tama ba o hindi ang kanilang hakbang at kung hindi at pwede nating hindi sila iboto sa susunod na halalan.

 

Ang bawat batas ng ating bansa ay makakaapekto sa bawat Pilipino at sa kanilang buhay buhay. Mahalaga na ito ay malaman at pag aralan upang mas mapangalagaan natin ang ating karapatan at mapaunlad ang ating bayan. Ang mga batas na ito ay ginawa upang ang bawat Pilipino, mahirap man o mayaman, ay matulungan at mas mapaganda at maitaas ang antas ng kanilang buhay.


Kung nais ninyong matuto ng batas, marami nang tiktok at youtube channel ang nakalaan dito. Hanapin lang ninyo. Mas mainam na sa mga legit Lawyer content creator tayo manuod kaysa sa mga channel na nagpapangap lamang na may alam sa usaping legal.

 

Sana ay may natutunan kayo sa sulatin na ito.

xxx

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:

 

www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:

 

laymanslawph.blogspot.com

 

Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap. Maraming salamat po. 😊

 

Sunday, October 30, 2022

Girlfriend na buntis nabugbog, nakunan at namatay ang fetus, ano ang maaaring ikaso?

  


Sagutin po ang katanungan ng isang FB user:


"Good evening to all. I would like to ask how many years is the punishment for murder. Some people beat my girlfriend, now our baby died in the womb. Thank you very much to those who will answer."


Base po sa salaysay ay binugbog ang girlfriend ng ilang mga tao at namatay ang dinadala nyang bata. 

Ang ating Revised Penal Code ay may parusa sa ganyang krimen sa ilalim ng Artikulo 256 o ang krimen na tinatawag na Intentional Abortion kung saan sinasabi sa unang talata nito na ang krimen ay nangyayari kung ang isang tao ay intentionally nag cause ng abortion o ang pagkamatay ng fetus sa uterus ng isang babae, dahil gumamit siya ng karahasan laban sa isang buntis na babae.

Ang parusa dito ay pinapatawan ng Reclusion Temporal na tumatagal ng labing dalawang taon at isang araw (12 years and 1 Day) hanggang sa dalawangpung taon (20 years) na pagkakabilanggo, depende sa desisyon ng korte. 

(Intentional abortion. — Any person who shall intentionally cause an abortion shall suffer:

1.The penalty of reclusion temporal, if he shall use any violence upon the person of the pregnant woman.  …… [Art. 256 Revised Penal Code])


Dagdag kaalaman na din, magkakaroon lamang ng tinawag na Complex Crime ng Murder and Abortion kung ang ina, ng dahil sa abortion o pagkamatay ng fetus, ay namatay o nasawi din.


Sana ay may natutunan kayo sa pagpapaliwanang na ito.

xxx

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:


laymanslawph@gmail.com


o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:


www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934


Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:


laymanslawph.blogspot.com


Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap. Maraming salamat po. 😊



Friday, October 21, 2022

Kapitbahay na nagsabi sa kumare na magnanakaw ang kanyang kapit bahay. may kaso ba? Ano ba ang Slander o Oral Defamation?

 


Sagutin po natin ang katanungan ng isang FB User:

 "Magandang gabi po tanong lng po Kung ano po ba dapat gawin sa Taong pinag mumura ka at sinabihang mag nanakaw?, salamat n advance po tapos po pagbaba ko Ng tryckle na aktuhan ko po na binagit Ang pangalan ko.. Ng kapitbahay Namin na sinabi magnanakaw Po kmi...Hindi namn Po galing MISMO sa kanila.pero xia Ang nag pasa sa kumare nya na magnanakaw daw Po kami"

 

Kung ang tao po ay nag sasabi ng mga bagay na walang katotohanan na nakakasira ng inyong puri, maaring mag kwalipika po ito sa kasong Slander sa ilalim ng Revise Penal Code ng ating bansa.

 

Ano ba ang Slander?

Ito ay napapailalim sa Artikulo 358 ng Revised Penal ang kaparusahan. Sinasabi sa isang desisyon ng Korte Suprema na:

 

"Ang Slander o tinatawag ding oral defamation ay isang kasong libel (o paninirang puri) na maaring gawin sa pamamagitan ng pagsasabi ng nakakasirang salita na maaring makapahamak sa reputasyon, opisina, negosyo, kalakal or kahit anong hanapbuhay ng isang tao.

(Libel committed by oral or speaking of base and defamatory words which tend to prejudice another in his reputation, office, trade, business or means of livelihood. [Villanueva vs. People, G.R. No. 150351, (2006)])"

 

Sinasabi rin na ang slander ay hindi kailangang marinig ng mismong siniraan na tao at nagkakaroon nito o yung tinatawag na oral defamation kahit na ibang tao ang nakarining ng mga nakakasirang puring salita, dahil ang reputasyon ng isang tao ay ang basehan kung paano siya nakikita ng ibang tao.

 

Ngunit ipinapayo pa rin natin na kung kayang ayusin sa barangay, ay sa barangay na muna natin ito ayusin dahil masyadong hassle din po ang pagkakaso maliban na lang kung may time at kahit papaano ay may resources kayo para i-file at antayin ang resulta ng kaso.

 

 xxx

Kung may katanungan kayo, maaring pagusapan natin yan bilang topic at sagutin natin para sa kaalaman ng lahat. maaring mag email sa:

 

laymanslawph@gmail.com

 

o I-like at Follow ang ating FB Page na Layman's Law PH:

 

www.facebook.com/profile.php?id=100085998849934

 

Maari din magbasa ng ating mga artikulo upang matutuo sa:

 

laymanslawph.blogspot.com

 

Disclaimer lang po, ang mga binahagi ko pong kaalaman ay para po lamang sa pang edukasyunal na layunin upang matutu po ang bawat isa patungkol sa batas, sa ordinary at madaling maunawaan na paraan. Wala pong Lawyer-Client Relation po na nabubuo sa paguusap na ito. Inimumungkahi ng may-akda na lumapit personally sa isang Private Law Practitioner o PAO Lawyer para sa mas masinsinang paguusap. Maraming salamat po. 😊